ni Angela Fernando @News | May 26, 2024
Lumabas si Janice de Belen sa show sa Youtube channel ni Bernadette Sembrano na “B Happy” upang magbahagi ng good vibes sa madla.
Bukod sa ibinida ni Janice ang kanyang mga online shopping finds, nag-share rin ito sa madla kung paanong maging kuntento sa buhay kahit pa mag-isa ka na lang.
Sey ni Janice, ayaw niya raw maging malungkot for a very long time kaya naman sanay na siyang maiwan ng mga anak para mamuhay mag-isa.
Kahit pa may showbiz friends at school friends na nakakasama ang aktres, alam naman daw niyang at the end of the day ay mag-isa pa rin siya ngunit aware siyang masaya na siya sa estado ng kanyang buhay.
Maging si Bernadette, nahawa nga at nainggit sa simple at kuntentong pamumuhay ni “Super Janice.”
Hirit pa nga ng marami sa episode, sana raw mahanap din nila ang comfort na mayroon si Janice sa pag-iisa. 'Ika nga ng madla, “Being alone does not equate to loneliness.”
Comments