top of page

JANELLA, PUMAYAG GUMAWA ULI NG HORROR MOVIE DAHIL KAY PIOLO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 4, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | December 4, 2023




Nanguna ang pelikulang Mallari sa isang survey na lumabas sa socmed para sa sampung entries na kasali sa 2023 Metro Manila Film Festival.


Ang survey ay isinagawa ng Goldwin Reviews. Mula ito sa pinagsama-samang survey percentage results na kinalap nila sa Facebook, X (dating Twitter) at Instagram.


Pumangalawa sa Mallari ang Firefly, then, Becky and Badette at pang-apat ang Family of Two (A Mother and Son Story).


Ang mga bida ng Mallari ay sina Piolo Pascual, JC Santos, Gloria Diaz at Janella Salvador.


Horror princess naman ang datingan sa amin ni Janella noong una pa man namin siyang mapanood sa grand mediacon ng pelikulang Mallari.


Una kaming na-impress kay Janella nu’ng napanood namin siya sa kanyang debut film na Haunted Mansion noong 2015 Metro Manila Filmfest. Malakas ang screen presence at may ibubuga sa akting, sabi namin sa sarili.


Nagbayad kami sa sine ng pamilya ko dahil walang season pass na dumapo sa aming mga kamay that time. At isa sa top-grossing film that year sa MMFF ang Haunted Mansion.


Kasunod nito, nagningning na ang kanyang estrelya nu’ng nagbida na siya sa sunud-sunod na teleseryeng ginawa niya sa ABS-CBN.


Nasundan ng ilan pang horror films ang mga pelikulang nagawa ni Janella. And now, isa rin siya sa cast ng Mallari.


Sabi ni Janella sa mediacon, "To be honest with you, before I accepted this film, sabi ko sa sarili ko, parang gusto ko munang magpahinga sa horror kasi parang nata-typecast na rin ako sa mga horror."


After nga kasi ng Haunted Mansion, may ginawa rin siyang Bloody Crayons at Killer Bride.


But what made her decide to accept the movie ay nu’ng malaman niyang partner niya sa Mallari si Piolo. Kung paano nangyari ‘yun, kailangang panoorin ninyo ang Mallari.


Esplika ni Janella, "As soon as I read the script, sabi ko, this is something na hindi ko puwedeng palampasin. It's so well-written. It's very detailed and beautifully written.


Kinabahan ako nang slight kasi hindi ko lang makakatrabaho rito si Papa P., partner ko siya rito. Kinabahan ako pero I couldn't let it pass.”


Humanga rin si Janella sa pagiging professional actor ni Papa P.


“He has accomplished so much ... pero nu'ng nasa set na kami, never kong naramdaman na Piolo siya. He's very generous. I could also see him working hard for his role. Lahat kami rito, parang we're all really just trying to portray our roles na pantay-pantay kami and we worked very hard for this film,” lahad pa ni Janella.


Ang Mallari ay mula sa direksiyon ni Roderick Cabrido produced by Mentorque Productions at ng Warner Bros.


Ipapalabas ang Mallari sa December 25 as one of the official entries for this year’s Metro Manila Film Festival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page