top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Jane, laglag na raw… DARNA, BALIK KAY LIZA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2020
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 3, 2020




May mga sitsit na ibinalik na ang Darna role kay Liza Soberano.


Nag-leak ang pagte-training umano ng Kapamilya actress sa mga action scenes.


Maaalalang nag-back-out si Liza sa Darna role dahil sa kanyang fractured right index finger na kinailangang operahan. Nakuha niya ito nang maaksidente siya sa teleserye nilang Bagani ni Enrique Gil.


Nalipat ang ‘bato’ ni Darna sa Kapamilya young actress na si Jane de Leon. Pero nakakailang shoot na rin ng Darna movie nang biglang magka-Coronavirus outbreak kaya natigil ang shooting at nagkaroon ng announcement ang production na pansamantalang mahihinto ang Darna project at wala raw kasiguruhan kung kelan magre-resume.


But still, ang right naman daw ng Darna ay nasa kamay pa rin ng ABS-CBN/Star Cinema.


Heto na ngayon, may mga balitang itutuloy na uli ng Kapamilya Network ang Darna, pero pangalan na ni Liza ang umuugong na lumalabas bilang si Darna. At hindi na raw movie ang gagawin kundi teleserye na lang.


Hala, eh, paano na si Jane de Leon na todo-asa pa namang siya ang gaganap na Darna?

Samantala, isang netizen ang pabor na ibalik na ang ‘bato’ ni Darna kay Liza dahil siya ang perfect actress sa role aside kay Angel Locsin.


“'Yung fierceness ng galaw niya at 'yung mata niya! Ganito mag-act si Angel Locsin, soooo beke nemen! Kung hindi talaga puwede ang Darna, maybe a solo action movie (for Liza)? Deserve niya po!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page