top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

James, Butler, Portis at Barnes, mga buzzer-beater

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 07, 2022





Bumalik sa aksyon si LeBron James at ibinuhat ang Los Angeles Lakers sa 122-115 panalo sa overtime kontra sa bisitang New York Knicks sa NBA kahapon mula sa Crypto.com Arena. Patuloy din ang pag-akyat ng Miami Heat sa Eastern Conference matapos ipitin ang Charlotte Hornets, 104-86.


Magaling na ang maga sa tuhod, sinimulan ni James ang arangkada ng Lakers sa overtime sa kanyang dunk at sinundan ng shoot ni Talen Horton-Tucker, 115-111, at mula roon ay hindi nakabawi ang Knicks. Tinuldukan ng isa pang dunk ni Anthony Davis ang mainitang laban kung saan matiyagang inunti-unting bawasan ng Lakers ang 68-47 lamang ng Knicks bago matapos ang first half.


Triple double si LBJ na 29 puntos, 13 rebound at 10 assist sa 40 minuto sa kanyang ika-1,347 na laro at umalis sa tabla nila ni Kobe Bryant (1,346) para sa ika-14 na pinakamaraming nalaro sa kasaysayan ng NBA. Nasayang ang 36 puntos ni RJ Barrett kasama ang three-points na may walong segundo sa orasan upang itakda ang overtime, 111-111.


Sumandal ang bisitang Heat sa depensa at linimitahan ang opensa ng Hornets sa pinakamababang puntos matapos magtala ng 114.1 puntos bawat laro bago magsimula ang laban. Bumanat ng 27 puntos si Jimmy Butler na may 20 puntos at 12 rebound.


Ibinaon ng numero unong Phoenix Suns ang Washington Wizards, 95-80. Umabot ng 36 ang lamang na Suns sa third quarter, 85-49, at humugot ng lakas kay sentro Deandre Ayton na may 20 puntos.


Nagwagi ang Milwaukee Bucks sa bisa ng 137-108 pananambak sa Portland Trail Blazers. Nagbuhos ng 30 puntos si Bobby Portis


Dinurog ng Memphis Grizzlies ang kulelat na Orlando Magic, 135-113, sa likod ng 33 puntos sa 29 minuto ni All-Star Ja Morant. Panalo din ang Sacramento Kings sa Oklahoma City Thunder, 113-103, salamat sa 24 puntos ni Harrison Barnes.


Samantala, malalaman ang magiging coach ng Team Durant sa 2022 All-Star Game ngayong araw.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page