Search
  • BULGAR

JAMES, AMBASSADOR NG AGRICULTURE PERO WALANG ALAM SA MGA GULAY

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 25, 2020




Sa isang event na dinaluhan ni James Reid bilang Food Security Ambassador, may simpleng tanong na ibinato sa kanya.


Si James ang napili ng Department of Agriculture para maging kinatawan ng ahensiya ng gobyerno. Isa sa mga aktibidades ng Fil-Am actor-singer ang sumama sa mga dinadaluhang events ng DAR, tulad sa PAG-AHON o "Palay at Gulay, May Ari, Hanapbuhay, Oportunidad at Nutrisyon" project na ginanap sa Lupao, Nueva Ecija kamakailan lang.


Feeling Pinoy na Pinoy nang humarap sa event ang mestisong aktor. Sa harap ng mga mangingisda at magsasaka ay nagbigay ng pahayag si James.


Maya-maya ay may nagtanong kung ano ang paborito niyang gulay. Kalorkey ang sagot ng nahirang na Food Security Ambassador. Ang tagal niyang nag-isip bago sinabing kangkong ang favorite niyang kainin sa sinigang.


Naku, kailangan pala, kabisaduhin ni James ang lahat ng mga gulay na matatagpuan sa 'Pinas at umpisahan niya na ito sa kantang Bahay-Kubo.


Dapat maging aware rin siya sa ginagawa ng mga magsasaka at mangingisda. Hindi biro ang maging ambassador ng DAR dahil kalusugan ng mga Pinoy lalo na ng mga kabataan ang nakasalalay dito.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.