JALOSJOS, IDINAAN SA PERA-PERA ANG LABAN SA BAGONG SHOW NG TVJ
ni Ambet Nabus @Let's See | June 14, 2023

Sa nasilip naming mga kaganapan sa bagong Eat… Bulaga! ng GMA-7, umuulan nga ang nasabing noontime show ng mga papremyong pera at gadgets.
Grabe, talagang busog na busog sa mga papremyo ang show at kahit ‘yung portion ni dating Mayor Isko Moreno ay umaapaw din sa paglutas sa mga financial problems ng mga simpleng mamamayan sa kalsada.
Well, let’s admit it. Kapag ganu’n ang style na pasisikatin ng bagong grupo, madali nga nilang makukuha ang loob ng mga tao at ito rin ang magandang pagkakataon para magkaroon sila ng mga loyal fans at supporters.
Nakakahiya mang sabihin, pero nadadala na nga sa “pera-pera” ng Jalosjos camp o TAPE, Inc. ang laban nila sa EB! nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
For sure, pahabaan ng pisi, pasensiya at tapang ng loob ang aabangan natin sa pagitan ng dalawang kampo sa mga susunod na araw.
Saka na lang natin pag-usapan ang mga nakakatawang game portions ng bagong EB!, dahil sa totoo lang, para lang tayong nasa isang Christmas party o company party na may mga biglaang parlor games.
‘Kaloka, devah?! Hahahaha!





Comments