top of page
Search
  • BULGAR

Jai, inaming nagmakaawa kay Agassi

ni Angela Fernando - Trainee @Entertainment | April 18, 20244




Nagsama sa vlog ang aktres na si Aiko Melendez at vlogger na Jai Asuncion para sa isang mainit na interview at nagbato ng kanyang maiinit na tanong ang aktres para sa vlogger na dating parte ng love team na “JaiGa.”


Kahit close si Aiko sa ex ng vlogger na si Agassi Ching, hindi nangiming itinanong ng aktres kay Jai kung anong ang worst regret nito sa kanyang buhay at sinagot din naman ito with honesty ng vlogger na halatang kinakabahan pa.


Sey ni Jai, siguro raw ang worst decision niya ay ang mag-beg o magmakaawa para mahalin ulit.


Hindi nga makapaniwala si Aiko na sa ganda raw ng vlogger ay kailangan pang makiusap at sinabi rin nitong dapat alam ni Jai ang kanyang worth—humirit pa itong kahit close raw sila ni Agassi ay pagagalitan niya ito.


Sinundan naman ito ng tanong ni Aiko kung ano raw ba ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa na hindi na sinagot ni Jai at pinili na lang ang ‘dare.’

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page