top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Jaguar, nakoronahan sa 3RD Leg Triple Series

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18, 2023
  • 2 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 18, 2023


Napasaya ng top favorite na si Jaguar ang mga liyamadista matapos sikwatin ang korona sa 2023 PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown Series na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City sa Batangas, Linggo ng hapon.


Naka-dalawang legs ang pinagwagian ni Jaguar, nasungkit din nito ang panalo sa second leg kung saan parehong si star jockey Jeffril Zarate ang naging hinete.


Lumabas na pang-apat si Jaguar para manood ng bakbakan sa unahan hanggang sa kalagitnaan ng karera habang nasa pang-anim ang mahigpit na karibal na si first leg winner La Trouppei.


Patuloy ang tagisan ng bilis sa unahan nina Secretary at Boat Buying habang nag-aabang sa tersero si Istulen Ola subalit papasok ng far turn ay kumakapit na sina La Trouppei at Jaguar sa unahan.


Bumulaga si La Trouppei at inungusan niya sa pagremate si Jaguar pero hindi ito pinalayo ng winning horse.


Papalapit ng home turn ay inagaw na ni Jaguar ang unahan at umabot sa anim na kabayo ang lamang nito sa rektahan sa nauupos na si La Trouppei.


Walang kahirap-hirap na tinawid ni Jaguar ang meta ng may walong kabayong agwat sa pumangalawang si Earli Boating.


Inilista ng Jaguar ang 2:05 minuto sa 2,000 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Cong. Juan Miguel "Mikey" Macapagal Arroyo ang P2.1M premyo.


Ibinulsa ni Earli Boating ang P787,500, tumersero si Istulen Ola na kumubra ng P437,500 habang napunta ang P175,000 sa fourth placer na si La Trouppei.


Naiuwi naman ng winning breeder na si Joseph Dyhengco ang P175,000 na premyo habang tig-P105,000 at P70,000 ang second at third.


Samantala, nasa siyam na karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Linggo kaya mahaba-haba ang paglilibang ng mga karerista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page