top of page

Jaguar inangkin ang korona sa MARHO 3-YO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | November 22, 2023


Nakitaan ng husay sa karera si Jaguar matapos nitong angkinin ang korona sa MARHO Breeders' 3-Year-Old Colt Mile na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, noong Linggo ng hapon.


Nirendahan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, ipinuwesto nito si Jaguar sa pang-apat habang nag-uubusan ng lakas sa unahan sina Save My Savings, Sonic Clay at Noble Touch.


Habang papalapit sa far turn ay unti-unti ng kumakapit sa unahan si Jaguar kaya naman bago sumapit ng home turn ay naagaw na niya ang bandera.


Lumayo ng todo si Jaguar sa rektahan, pina-abot ni Zarate ang lamang ni Jaguar hanggang anim na kabayo kaya naman magaan nitong tinawid ang meta.


Ipinasang tiyempo ni Jaguar ang 1:40.6 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si JM Arroyo ang P600,000 premyo.


Nasungkit ng second placer na Open Billing ang P225,000, tersero ang Sonic Clay na nag-uwi ng P125,000 habang pang-apat ang Save My Savings na nagbulsa ng P50,000.


Samantala, nagwagi si Istulen Ola sa MARHO - Petron Corporation trophy race na pinakawalan sa race 7.


Ginabayan ni class A rider John Alvin Guce si Istulen Ola upang ilista ang 1:25 minuto sa 1,400 meter race, pumangalawa si Bombay Nights.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page