top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Jade Castro at 3 iba pa, laya na

Writer: ffernandoangela
ffernandoangela
Mar 12, 2024
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 11, 2024




Nakalaya na ang direktor na si Jade Castro at ang kanyang tatlong kasamahan nu'ng Lunes ng gabi matapos ibasura ng isang Korte sa Quezon ang kanilang kasong destructive arson na kinumpirma ng kanilang mga abogado nitong Martes.


Ayon kay Atty. Carmela Pena, abogado ni Castro, napagdesisyunan ng Korte na palayain na ang direktor at ang tatlong iba pa matapos na sila'y magsampa ng Motion to Quash.


Nilinaw ni Atty. Pena na ilegal na ang naging pagaresto sa kanila dahil wala itong hurisdiksyon ng Korte.


Matatandaang inaresto si Castro at ang kanyang mga kasamahan na sina Ernesto Orcine, Noel Mariano, at Dominic Ramos nang walang warrant nu'ng Enero 31 sa Mulanay, Quezon matapos silang idikit sa pagsusunog ng isang modernong jeepney sa Brgy. Dahican sa Catanauan.


Aminado naman ang pulisya na walang pisikal na ebidensya na nag-uugnay kay Castro at sa kanyang mga kasama sa nasabing krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page