Jackpot, mahal na mahal daw ang aktres… COCO, TODO-THANK YOU KAY JULIA SA PAG-AALAGA SA PAMILYA NILA
- BULGAR

- 4 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 21, 2026

Photo: IG _thecocojarchive
“Salamat dahil dumating ka sa buhay ko, my partner, my best friend, my love and my boss,” ang pahayag ng aktor na si Coco Martin nang mag-post siya sa Instagram (IG) ng kanyang birthday greeting para sa aktres na si Julia Montes.
Aniya, “Maligayang kaarawan sa pinakamamahal ko, Mara. Maraming salamat sa walang sawang pagmamahal at pag-aalaga mo sa akin at sa buong pamilya natin.
“Salamat dahil dumating ka sa buhay ko, my partner, my best friend, my love and my boss. Ikaw ang inspirasyon ko sa araw-araw. Napakapalad ko dahil ibinigay ka sa akin ng Diyos. Happy birthday @montesjulia08. Mahal na mahal kita.”
Anyway, happy birthday, Julia Montes!
‘Yun lang, and I thank you.
Karibal kay Jillian…
EMAN, UMAMING KINAUSAP SI RAHEEL BHYRIA
“We’re really good friends,” ang pahayag ng aktor-boksingero na si Eman Bacosa Pacquiao nang tanungin siya kung ano ang status nilang dalawa ng aktres na si Jillian Ward.
Kamakailan lang ay nag-guest ang anak ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Eman sa Unang Hirit (UH).
Sa panayam ay ibinahagi ni Eman ang naging experience niya sa taping ng Never Say Die (NSD) ng GMA Network.
Saad ni Eman, “Ah, nakakakaba po at napaka-exciting kasi ‘yun po ‘yung first acting project ko.”
Tanong ni Arnold Clavio, “Ang tanong, mas mapapanood ka ba namin sa pag-arte kaysa pagboboksing?”
Saad ni Eman, “Parehas po.”
Tanong naman ni Suzie Entrata, “Marami ang nag-request na mag-guest ka sa Never Say Die dahil maraming kinikilig sa inyo ni Jillian. Kumusta namang makaeksena si Jillian? Nahiya ka ba noong una?”
Saad ni Eman, “Ah, nahihiya at kinabahan po ako.”
Hirit ni Arnold nang mapansin nitong Jill lang ang tawag ni Eman kay Jillian, “Kami, ‘Jillian’, bakit ikaw ay ‘Jill’ lang ang tawag mo?”
Saad ni Eman, “Um, close friends po kami.”
Birong tanong ni Arnold, “So, tawag sa ‘yo, ‘Ems’ na lang?”
Sagot ni Eman na may kasamang ngiti, “Secret.”
Sa nasabing panayam ay natanong ni Arnold ang tungkol sa pagpunta ni Jillian sa Bohol.
Saad ni Eman, “Ah, support po s’ya sa akin. Full support po s’ya sa akin. Pati family n’ya, pati ako rin po sa kanya sa pagiging artista n’ya.”
Tanong ni Arnold, “Kinumusta mo ba si Jillian dahil nakakakaba manood ng boxing?”
Saad ni Eman, “Yes po. Kinumusta ko po s’ya. Sabi n’ya, first time po n’ya manood ng boxing.”
Dagdag na tanong ni Arnold, “Nag-alala ba s’ya sa ‘yo?”
Saad ni Eman, “Sobra.”
Tanong pa ni Arnold, “Kumusta ang pamilya mo at pamilya ni Jillian?”
Saad ni Eman, “Maayos naman po. Nagba-bonding po ‘yung family namin minsan. Usap-usap po ‘pag may time.”
Tanong naman ni Suzie, “So, parents n’ya ay nandu’n?”
Saad ni Eman, “Yes po. Nag-attend po sila sa fight. Tapos, dinner po kami, long talk.”
Tanong ni Suzie, “May selos ka bang nararamdaman kay Raheel Bhyria?”
Saad ni Eman, “Ahm, nag-usap naman po kami.”
Dagdag na tanong ni Arnold, “Ano’ng pinag-usapan n’yo?”
Saad ni Eman, “What’s up, bro?”
Dagdag na sabi pa ni Eman, “Guys, ‘di po kami magkaaway. Friends po kami.”
Ibinahagi rin ni Eman na una niyang ginagawa ‘pag gising sa umaga ay magdasal.
Well, in fairness sa anak ni Sen. Manny Pacquiao, super magalang.
“IT’S really fun especially working with Rhen. I enjoyed it so much,” ang pahayag ng mahusay na aktor na si Joseph Marco sa preskon ng Viva One original series na My Husband is a Mafia Boss (MHIAMB).
Sa panayam ay natanong si Joseph Marco at ang kanyang ka-love team na si Rhen Escaño kung ano ang masasabi nila sa isa’t isa at sa mga kasama nila sa serye.
Saad ni Joseph Marco, “It’s so fun kasi after reading the book, naging fan talaga ako. Bago pa kami mag-start, sobrang excited na ako.
“Knowing the Zek and Amy character, ‘yung banter nila, it’s really fun especially working with Rhen. I enjoyed it so much.
“Sobrang enjoy ko na makatrabaho si Rhen. I guess, ito yata ‘yung pinaka-genuine na team-up na nagawa ko and I am so blessed to have her as my leading lady for Mafia Boss.
“I don’t think I would be able to do the things I do here kung ‘di s’ya ang ka-partner ko. That’s why I am so thankful. Very healthy ‘yung relationship namin at every time we have tapings, I am always excited to work with her.”
Saad naman ni Rhen Escaño, “Iba ‘yung feeling na ‘pag excited ka sa ginagawa mo, magre-register sa camera.
“So lalo na with director na very funny person, ang saya talaga sa set. Very light at ang saya ng lahat. After ng eksena, nagtatawanan.
“And so it’s a happy set dahil sobrang gusto namin ‘yung ginagawa namin and also of course the project.”
Mula sa direksiyon ni Fifth Solomon, mapapanood na sa wakas ng mga fans sa buong mundo ang isang kuwentong puno ng kilig at thrill.




Comments