Iyak nang iyak nu’ng ililibing na… DINA, SINABIHAN NG PARI NA SUMAMA SA NITSO NG MISTER
- BULGAR

- Aug 30
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 30, 2025

Photo: Dina Bonnevie - IG
Ganap nang Star Magic artist ang showbiz icon na si Gladys Reyes matapos nitong pumirma ng kontrata noong Grand Welcome to Star Magic event ng ABS-CBN last Thursday (Aug. 28).
Makalipas ang 4 na dekada bilang artista, malaki ang pasasalamat ni Gladys na mapabilang sa Star Magic family ngayon, lalo na’t nakilala siya bilang isa sa mga pinakasikat na kontrabida noong bumida siya sa 1992 teleserye na Mara Clara (MC) ng ABS-CBN.
“Masaya ako kasi answered prayer ito para sa akin bilang artista. Umaasa ako sa mas makabuluhan at mahirap na mga proyekto. Nakakaiyak ‘yung respeto at pagpapahalaga ‘pag nararamdaman mo pa rin ‘yun pagkalipas ng ilang taon,” saad niya.
Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, President at CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, group CFO Rick Tan, entertainment production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at Star Magic manager Gidget Dela Cuesta.
Excited na si Gladys para sa mga proyektong gagawin niya upang maipakita pa niya sa publiko ang kanyang kalog na personalidad bukod sa pagiging kontrabida sa mga serye.
“Marami pa akong gustong gawin. Bukod sa mga teleserye, gusto kong mag-host ulit para maipakita ko ang pagiging totoo ko at ang tunay kong ugali — kung talk show man, variety show, o kahit game show,” sabi niya.
Isa si Gladys sa mga bida sa And The Breadwinner Is… (ATBI) nu’ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) at napapanood din siya bilang hurado sa It’s Showtime (IS).
Kamakailan din ay pumirma ng kontrata sa Star Magic ang anak niyang si Christophe Sommereux bilang recording artist ng StarPop.
HINDI napigilan ng veteran actress na si Dina Bonnevie na maiyak nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Sa dulo ng panayam ay nag-iwan ng mensahe si Dina para sa yumaong asawa na si DV Savellano (RIP), dating governor at congressman ng Ilocos Sur.
Sabi ni Dina sa mahusay na host na si Boy Abunda, sa huli nilang bakasyon ay sinabi niya kay DV na siya dapat ang unang mamatay sa kanila.
Tanong ng King of Talk Show, “Sinabi mo ‘yun?”
Kuwento pa ni Dina, “We were in Japan, sabi ko, gusto kong mauna. ‘‘Wag mo kong
iwan.’ ‘Ay, hindi puwede,’ sabi n’ya. ‘Ayoko ring maiwan.’ ‘O sige,’ sabi ko, ‘sabay tayo.’
“You know, when he died, gusto ko nang sumama. I kept wishing that God would kill me, I just wanna die. I don’t wanna live. What am I gonna live for? My kids are married. They’re grown up, may asawa na rin ang mga anak n’ya. Ano pa? I just wanna die. I don’t wanna be without him.”
Dagdag pa ng maganda pa ring aktres, “Sabi nga ng pari, ‘Oh, gusto mong sumama? Pumasok ka d’yan sa nitso, pumasok ka.’ Sinabi sa akin ng pari. Sa loob-loob ko, ‘Antipatiko ‘tong paring ‘to, gusto akong patayin.’ Tapos, sabi ng kapatid ko, ‘Kanina ka pa kasi iyak nang iyak d’yan. Sabi mo, gusto mong sumama. Oh, ‘yan, sabi tuloy ng pari, sumama ka d’yan sa nitso.”
Sa dulo ng panayam ay nag-iwan ng mensahe si Dina para sa yumaong asawa.
Aniya, “I really, really miss him so much. Sobra that even if he’s no longer there, I still wear his ring. I miss you so much. I’m so proud of your accomplishments. If I were God, I’d give you a double A for accomplishment as far as your work in government, you did the most you can do, even more.
“You were a great dad, super, to the point of spoiling all of them. But that’s because you had overflowing love for all of your kids. And, if there’s somebody who really, really, made me feel so loved, it was you. Because, even when there were times we had tests and I became really ugly to him because I couldn’t accept the, you know, the test na pinagdaraanan namin, but he stood by me.”
Wish ni Dina, “Sana, there’s visiting hours in heaven. I just wish it were true.”
Samantala, maraming netizens ang humahanga sa aktres.
Komento ng isa, “Walang kupas si Ms. D. She’s the total package! Beauty, brains and a good heart. She's always glorifying God. She truly inspires me!”
Sabi pa ng isa, “You made me cry, Ms. D. Your words of wisdom hit a soft spot. You’re in our daily prayers. Stay strong. God is with you. You are surrounded by so many who love & respect you. May you find peace knowing that your better half is in a far better place now... no more pain, no more suffering. God bless you always.”
Bongga rin talagang mag-interview ang King of Talk na si Boy Abunda, nagagawa niyang natural at simple ang pagtatanong pero tagos sa puso ang kinalalabasan ng panayam.
Boom, kaboom!
‘Yun lang and I thank you.








Comments