‘Iwas-yosi’ campaign, inilunsad ng DOH sa Dolomite Beach
ni Lolet Abania | November 29, 2022

Inilunsad ng Department of Health (DOH) ngayong Martes ang isang anti-smoking campaign sa Manila Bay Dolomite Beach bilang paggunita ng Lung Cancer Awareness Month.
Ayon sa DOH, layon ng kampanya na hikayatin ang publiko na panatilihin ang hangin na ating hinihinga na maging mas malinis at mas ligtas sa pamamagitan ng hindi paninigarilyo sa mga pampublikong lugar gaya ng Dolomite Beach.
Paulit-ulit na rin ang paalala ng DOH na ang paninigarilyo at secondhand smoke ay kabilang sa mga risk factors na maaaring tumaas ang tsansa sa pagkakaroon ng lung cancer.
Ayon sa World Health Organization (WHO), “Lung cancer was the most common cancer death in 2020, with 1.80 million dying because of it.”
Gayundin, ang lung cancer ay itinuturing na second most common cancer noong 2020 sunod sa breast cancer, na mayroong 2.21 million bagong kaso na na-detect.
Ang DOH, kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang concerned agencies, ay nagsagawa ng Zumba activity sa Dolomite Beach bilang bahagi ng kanilang anti-smoking campaign, habang ikinalat nila ang mga “No Smoking” signs sa lugar.
Matatandaan noong Mayo, inilunsad din ng DOH ang isang kampanya para sa smoke-free beaches, mga parke at tourist destinations sa pagdiriwang ng World No Tobacco Day.





Comments