top of page
Search
  • BULGAR

Ivana, na-bully kaya tumigil sa pag-aaral

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 19, 2024




First time na nag-collab ng mga content creators at YouTubers na sina Euleen Castro at Ivana Alawi kaya aliw na aliw ang mga supporters ng dalawa.


Sa ginawang episode sa YouTube Channel ni Euleen na "IVANA", ibinahagi ng Batang Quiapo actress na isa sa mga dahilan kaya napilitan siyang huminto sa pag-aaral ay dahil sa bullying na naranasan niya sa eskuwelahan.


Sey ni Ivana, dahil laking-ibang bansa siya'y hindi siya marunong ng Tagalog kaya naging tampulan din ito ng tukso ng kanyang mga kaklase.


Naranasan na rin daw ma-bully ni Ivana dahil sa kanyang hitsura.


"Sobra [akong] na-bully nu'ng elementary, high school. Kasi [raw] hindi ako maganda, ganyan," ani Ivana.


Pag-amin niya, hindi ganoon karami ang kanyang naging kaibigan, dalawa lang daw sa naging buong pag-aaral niya.


Napatawad naman na raw ng aktres ang kanyang mga bullies na humingi ng tawad sa kanya kalaunan.


Pinatawa at pinagaan nga ni Euleen ang pakiramdam ng aktres sa kanyang mga kuwelang hirit sa kanilang vlog.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page