IVANA, MAMIMIGAY NG TAYLOR SWIFT CONCERT TICKET, PATI HOTEL, PLANE TICKET AT FOOD, SAGOT
- BULGAR

- Feb 20, 2024
- 2 min read
ni Rensel Sabando @Entertainment | February 20, 2024

Mamimigay ng Eras Tour ticket ni Taylor Swift ang Batang Quiapo star at sexy vlogger na si Ivana Alawi.
Sa Instagram account ng aktres, nag-post siya ng video na big announcement niya para sa mga fans ng American-singer.
Ayon sa sexy vlogger, “Once in a lifetime opportunity mapanood si Taylor Swift, tapos all-expense paid and VIP ticket [pa].”
Bukod sa VIP ticket, sinabi rin ng aktres na ang one lucky winner ay makakakuha ng airplane ticket, food allowance at siyempre, ang hotel accommodation.
During her video on Instagram, ani ng sexy vlogger, “Lahat ay libre, ang iisipin mo na lang ay pagbi-video mo at ang pag-e-enjoy mo habang nanonood ng idol natin na si Taylor Swift.”
Binanggit din ni Ivana sa video clip na lahat ng gustong makasama sa raffle, kailangan ng valid passport, i-share ang video, at i-follow ang aktres sa kanyang social media accounts (Facebook, Instagram, TikTok, at YouTube).
Ani Ivana, “Share this video, put your favorite Taylor Swift lyrics.”
Halimbawa nga ng aktres ay, “I was enchanted to meet you. I love you Ivana.”
“Ganu'n! Kung anuman ang gusto n'yo,” diin niya.
Ang announcement ng winner ay sa February 22, Thursday. Sinabi pa niya na hindi siya mismo ang pipili ng mananalo kundi ang randomizer. At suwerte na makakasama si Ivana na naka-set ding manood ng Eras Tour sa Singapore.
Sa ngayon, umabot na sa 100K plus likes and 10K comments ang Instagram video ng aktres mula sa mga Taylor Swift fans.
Samantala, naka-schedule on March 2, 3, 4 & 7, 8, and 9, 2024 sa National Stadium, Singapore ang Taylor’s Eras Tour na kamakailan lang ay naging successful sa Melbourne, Australia at Tokyo, Japan.





Comments