top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

IVANA, KUMANTANG MAY NANG-AAWAY SA KANYA NA CO-STAR SA SHOW

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 20, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 20, 2023



Naikuwento ni Ivana Alawi na meron umanong artista na umaaway sa kanya sa kanilang recent show. Pero kahit na ganu’n ang nangyari, pinili niyang manahimik at ‘wag na lamang itong patulan pa dahil hindi raw siya nakikipag-away.


“Merong umaway sa akin, pero never akong nakipag-away sa kanila. Hindi ko pinapatulan.


Meron din sa recent show namin. Pero, alam mo ‘yun? I will not stoop down to your level. Kung gusto mong makipag-away, mag-isa ka. Pero hindi ko siya kakausapin. Hindi ko rin paplastikin.”


Naikuwento rin ni Ivana na noong nasa GMA-7 siya at nagsisimula pa lamang sa showbiz ay marami na rin ang nagmaldita sa kanya.


Kahit na may mga ‘di magagandang karanasan ang aktres, inamin niya na hindi matatawaran ang kabaitan at kabutihan ng puso ni Barbie Forteza. Para sa kanya, ang Kapuso actress ang maituturing na “nicest person” sa GMA-7.


Dahil daw sa pagkakaroon ng mabuting puso ni Barbie, hindi na nakakapagtaka pa kung bakit sunud-sunod ang mga blessings sa kanyang personal life, pati na rin ang mga projects na natatanggap nito sa trabaho.


Matatandaang unang nakilala si Ivana nang sumali siya sa reality show ng Kapuso Network na StarStruck. Pero mas sumikat ito nang husto sa mundo ng vlogging.


Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.6 million ang kanyang mga subscribers sa YouTube.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page