Ivan Uy, muling itinalagang DICT chief ni P-BBM
ni Lolet Abania | October 6, 2022

Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy.
Pinanumpa ni Pangulong Marcos si Uy sa Malacañang ngayong Huwebes.
Sina Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. at ang mga opisyal ng Malacañang Press Corps ay nanumpa na rin sa harap ng Pangulo.
Si Uy ay isa sa mga opisyal na ang appointments ay na-bypass ng Commission on Appointments (CA) habang ang Congress ay nag-adjourn ng 5-linggong recess. Sampung iba pang Cabinet members naman ay ni-reappoint ni Pangulong Marcos.
Ayon sa DICT chief, “I will prioritize giving internet connectivity to far-flung areas in the country in order for them to access medical services and improve the education system.”
Nagsisilbi rin bilang chairman ng ngayo’y defunct na Commission on Information and Communications Technology sa panahon ng administrasyon ng yumaong dating Pangulong Benigno Aquino III.





Comments