IU, Park Bo-gum, magtatambal sa bagong Netflix drama

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 30, 2024

Bibida ang Korean stars na sina IU at Park Bo-gum sa isang bagong drama sa Netflix.
Inanunsiyo ng Netflix ngayong Enero 30 na sina IU at Park Bo-gum ang mga pangunahing bida sa "When Life Gives You Tangerines," na ilalabas sa 190 na bansa.
Ang "When Life Gives You Tangerines," na nagsimula nang gawing pelikula noong nakaraang taon, ay iikot sa kwento ni Ae-sun (IU) "remarkable rebel" na taga-Jeju Island, at Gwan-sik (Park Bo-gum) "the unyielding iron."
Isang bersyon ng pangungusap na "When life gives you lemons" ang pamagat na "When Life Gives You Tangerines"dahil isang sikat na prutas sa Jeju Island ang tangerine.
Si Kim Won-suk ang direktor ng "When Life Gives You Tangerines," na naging direktor din ng mga sikat na drama tulad ng "Misaeng: Incomplete Life," "Signal," at "My Mister."





Comments