top of page
Search
BULGAR

Itinuturong 3rd party sa hiwalayan nila ni Daniel… KATHRYN, PARINIG DAW KAY ANDREA ANG “MISTRESS BLYTHE” POST

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Nov. 25, 2024



Photo/ File: Kathryn at Andrea - Circulated, TikTok, IG @blythe


Ayon sa balitang showbiz sa social media (socmed) ay naging usap-usapan ang naging post ni Kathryn Bernardo na tila naglalaman ng patama kay Andrea Brillantes, na mas kilala sa tawag na “Blythe”, at sa kanyang rumored ex-boyfriend na si Daniel Padilla. 


Matagal nang umaalingawngaw ang balita tungkol sa diumano’y hiwalayan ng tambalang KathNiel, na isinisi ng ilang netizens sa pagkakadawit ni Andrea bilang “third party” sa relasyon nina Kathryn at Daniel.


Isa sa mga pinakakontrobersiyal na usap-usapan ay ang diumano’y involvement ni Andrea Brillantes bilang third party. Ayon sa ilang sources, si Andrea umano ang dahilan ng mas malalim na hindi pagkakaunawaan nina Kathryn at Daniel, bagay na mariin namang itinatanggi ng kampo ni Andrea.


Usap-usapan ng mga Marites ang larawan ni Kathryn, kung saan makikita ang aktres na naka-pose sa tabi ng pintuang may nakasulat na “Martha Blythe” na ang ibig daw sabihin ng salitang Martha ay “mistress”. 


Sey ng isang netizen, “Move on na.”


Sagot naman ng ibang mga netizens:


“Matagal nang naka-move on si Kathryn. Masarap lang talagang mang-asar kahit naka-move on na.”


“Hindi ba puwedeng nang-iinis lang s’ya? Alam n’yo naman si Kath, mahilig mangulit.”

Well… well lang daw, oh! Kani-kanyang opinion lang ang bawat taong involved sa nasabing isyu kina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Andrea Brillantes.

Boom, ganern!


 

Dumako naman tayo kay Senador Bong Revilla, Jr.. Alam kaya niya na napakadami niyang napasaya sa mga batas na naisulong niya sa Senado lalung-lalo na ang ating mga lolo at lola?


Yes, sa ating mga lolo at lola na edad 80, 85, 90, 95, magtungo lamang po sa pinakamalapit na Office of Senior Citizens Affairs o OSCA para maalalayan kayo sa proseso ng pag-claim ng P10,000 thousand cash gift na ginagarantiyahan ng Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act. 


“Isa lamang ito sa ating inakdang batas para sa kapakanan ng minamahal nating nakatatanda,” ang buong-ningning na pahayag pa ng butihing Senador Bong Revilla, Jr..

Isinusulong din ni Sen. Bong na pababain ang senior age sa 56 sa halip na 60 taong gulang upang mas mahabang panahon pa nila mapakinabangan ang mga benepisyong kanilang matatanggap.


Sa ilalim ng Senate Bill 1573 na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 7432 o ang Senior Citizens Act, ang lahat ng Pinoy na nasa 56 taong gulang ay ikokonsidera na bilang senior citizen. Bukod dito, nais din ng senador na dagdagan pa ang mga benepisyong ipagkakaloob sa mga ito.


Para kay Sen. Bong, karapat-dapat lamang na ibaba ang senior age ng mga nakakatandang mamamayan lalo na at nitong tumama ang pandemya, marami ang hindi pinalad na umabot sa edad na 60.


Well, iba ka talaga, Sen. Bong dahil masyado kang matulungin sa ating mga kababayan lalo na ‘yung mga kapos sa kabuhayan. 


We salute you and may your tribe increase!


0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page