Itinuring na raw na pamilya… IVANA, TODO-THANK YOU SA PAG-AALAGA NI COCO
- BULGAR
- Aug 6, 2024
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | August 6, 2024

Speaking of Coco Martin, nakakuwentuhan namin ang mahusay na aktor at isa sa dating cast members ng FPJ’S Batang Quiapo (BQ) na si Robert Seña, with his wife-actress na si Ms. Isay Alvarez, dito sa Taipei, Taiwan.
Kasama ang mga batikang aktor sa grupo ng NDM Studios, sa pangunguna ng owner ng movie production at award-winning director na si Njel de Mesa, na nagpa-audition ng mga Pinoy na naka-based sa Taiwan.
Bukod kay Direk Njel ay kasama rin mula sa NDM Studios ang managing director na si Ms. Jan de Mesa and some of their staff members na sina Rolly Osunero and Roni Magsino.
Labis din palang nalungkot si Sir Robert sa pagyao ng aktres na si Jaclyn Jose. Friends pala sila ni Jaclyn at mas naging close noong magkasama sila sa BQ.
Habang isa sa maagang namatay na characters sa BQ ang role ni Sir Robert na top official sa kulungan, kung saan nagkakilala sina Coco at Ivana Alawi na recently ay namatay na rin ang karakter bilang si Bubbles sa hit Kapamilya action-series.
Ikinuwento ni Coco na hindi niya inakalang papatok sa mga manonood ang nakakakilig na tambalan nila ni Ivana.
Kaya nagpasalamat din siya kay Ivana dahil game na game ito sa mga eksena nila.
“Pamilya na ‘yung turing namin sa kanya. Hindi namin akalain na gaganda nang gaganda ‘yung kuwento namin. Sobrang laki ng naiambag ni Ivana sa serye. Sana nag-enjoy siya,” lahad ni Coco sa interview sa TV Patrol.
Ibinahagi ni Ivana na marami siyang natutunan sa pagiging bahagi ng serye kaya taos-puso siyang nagpapasalamat sa mga bumubuo ng BQ para sa tulong nila na bigyang-buhay si Bubbles.
Pahayag ni Ivana, “It’s something that I’ll treasure for a long time cause it’s the project na lumabas ako sa shell ko. I got to do a lot of things which are action, comedy, and romance. Inalagaan talaga ako ni Direk Coco Martin. It was a privilege to work with him.”
Patuloy na kinakapitan ng mga manonood ang BQ matapos itong makapagtala ng bagong online viewership record sa tatlong magkakasunod na gabi.
Ang kasalukuyang all-time high ng serye sa Kapamilya Online Live ay 635,636 peak concurrent viewers para sa episode noong Hulyo 31.
Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) channel at Facebook (FB) page ng ABS-CBN Entertainment.
Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube.
Never daw na-insecure si Vince Rillon sa mga bagong artista sa streaming platform na Vivamax. Si Vince kasi ang itinuturing na Vivamax Prince.
Sa birthday party ng Cannes Best Director na si Brillante Mendoza ay nakatsikahan namin si Vince. At dito ay naitanong sa kanya ang pagdagsa ng mga bagong male talents sa Vivamax.
Ayon kay Vince, “Hindi naman po ako nai-insecure. Mas nakakatuwa kasi marami na kami. At ngayon po, marami talaga kami.
“Marami na kami. Marami na ‘yung mga babae, mga lalaki. Mas marami na rin ang subscribers namin, ‘yung mga nanonood. Eleven million na, ‘di ba po?”
Dahil mas marami at mas palaban sa paseksihan ang mga baguhan, payag daw si Vince sa frontal nudity.
“Siyempre, ibibigay ko pa rin ‘yung best ko at saka ‘yung gusto nila. Hangga’t may contract ako sa Viva, hangga’t binibigyan nila ako ng project, willing ako,” depensa ni Vince.
Actually, ginawa na raw ni Vince na mag-frontal nudity sa pelikukang Pula nina Coco Martin, Julia Montes, Raymart Santiago at Pola, Oriental Mindoro Mayor Jennifer Mindanao Cruz (former Ina Alegre).
Pero na-edit out ang eksenang nag-frontal nudity si Vince sa Pula na nasa Netflix na simula noong May 3 this year.
Ang Pula ay ishinoot entirely sa Pola, Oriental Mindoro and directed by Brillante Mendoza under Center Stage Productions.
Ang next Vivamax movie ni Vince ay ang sexy thriller na Walker kasama sina Robb Guinto, Stephanie Raz, at Alex Medina, sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.
Naka-set na sa Setyembre 27 ang streaming nito.
Limang taon ang pinirmahang kontrata ni Vince Rillon sa Viva, may more than two years pa ito.
Comments