top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Itinago sa trak ng mga niyog... P14M puslit na yosi, naharang sa checkpoint

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 20 hours ago
  • 1 min read

by Mervin Reyes @News | September 3, 2026



14M smuggled cigarettes yosi - PNP

Photo: 14M smuggled cigarettes yosi - PNP


Tinatayang P14 milyong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes ang nasamsam ng pulisya mula sa isang trak na may kargang niyog sa isang checkpoint sa Parang, Maguindanao del Norte nitong Martes, Setyembre 1.


Ayon kay Lt. Patrick Generoso Gascon, team leader ng 3rd Maneuver Platoon ng Regional Mobile Force Battalion, itinago ang mga kahon ng imported cigarettes sa ilalim ng mga niyog sa loob ng wing van.


Alas-11:45 ng umaga nang sitahin para sa regular na inspeksyon

ang trak sa Police Duran detachment sa Brgy. Sarmiento.


Sinabi ni Gascon na iginiit ng driver at helper na hindi nila alam na may ilegal na kargamento ang trak dahil sinabihan umano silang niyog lamang ang kanilang ihahatid sa lalawigan.


Gayunman, naging balisa umano ang dalawa habang isinasagawa ang plain-view inspection, dahilan upang masusing siyasatin ang loob ng wing van.


Doon nakita ng mga pulis ang mga kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes na tinakpan ng mga niyog.


Kasalukuyang nakakulong sa Parang Municipal Police Station ang driver at helper habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang reklamo laban sa kanila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page