IT’S YOUR LUCKY DAY NI LUIS, BALIK SA DECEMBER
ni Ambet Nabus @Let's See | November 2, 2023

"We share the same sentiments," sey ng isang mataas na executive na nakausap ng inyong lingkod sa naging panawagan ng Star for All Seasons na si Vilma Santos na magpatuloy sana ang It's Your Lucky Day bilang regular show.
"The show can stand on its own. Maganda at very positive ang feedback, advertiser-friendly at mula umpisa hanggang matapos, pagbibigay-aliw at premyo talaga ang ginagawa," paliwanag pa ng aming kausap.
Nilinaw din ng aming source na baka nga isa ang It's Your Lucky Day sa bonggang pasabog na shows ng ABS-CBN ngayong 2024 at kung mas mapapadali ang pagbuo ng budget as per advertiser, baka nga raw ngayong December na ito umpisahan as a regular show.
Well, nagpa-survey na nga ang nasa production sa posibleng timeslot nito and most likely itong ilagay sa hapon bago pa man ang news program.





Comments