top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

It's Showtime, inilaglag para sa TVJ… TV5, NEGOSYO LANG, WALANG PERSONALAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 22, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | June 22, 2023




Usapang business na rin lang ang naging focal point ng ginawang desisyon ng MVP group at TV5 sa isyu ng TVJ at Dabarkads, mukhang ganu’n din ang naging business venture ng GMA-7.


Kahit may isyung dapat na magtampo ang Jalosjos camp sa Kapuso Network dahil sa pag-accommodate nito sa It's Showtime na eere sa sister station nitong GTV, “usapang business” lang ang lahat.


Talagang wise move ito para sa GMA-7 dahil ‘win-win’ ang kanilang ginawang business decision.


Una, mas magkakaroon ng maraming opportunities ang Kapuso Network to employ more collaboration projects with ABS-CBN artists.


Pangalawa, mas magkakatulungan silang palakasin ang bawat platform, technical transmission at iba pa nilang social media ventures, here and abroad, thus more following and advertising opportunities.


At ang most intriguing ay ang possibility na mailagay eventually sa mainstream GMA-7 Channel ang It's Showtime kapag (again) nag-decide ang network na hindi na i-renew ang kontrata ng TAPE, Inc. once na mag-expire ito.


Posible ring ulitin nila ang ginawa ng TV5 na may mga collab projects with Kapamilya Network and mag-offer sa TAPE, Inc. ng ibang timeslot or ilipat din ang EB! sa GTV?


Anything for good business, ‘ika nga. Winner ang mga artists na involved dahil may work sila at may training venues din. Pero ang higit na panalo sa lahat ay ang mga televiewers.


Bukod sa may choice ang mga viewers, mas malaki rin ang chance nilang makinabang literally, dahil pare-parehong nagbibigay ng cash prizes and gifts ang mga shows na nabanggit.


Hala, sige! Bira!!!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page