IT’S SHOWTIME HOST, TODO-ENJOY SA HK KAHIT SUSPENDED ANG SHOW
ni Ambet Nabus @Let's See | October 23, 2023

Speaking of ganap, nakaraos na ng isang linggo ang It’s Your Lucky Day.
At nakakatuwa namang sa gitna ng pamamayagpag nito ay bongga ang ganapang bakasyon-cum
bonding ng It’s Showtime family.
Kagagaling lang ng tropa sa Hong Kong kung saan lamyerda, kain at shopping nga raw ang mga ganapan nina Vice Ganda, Ion Perez, Vhong Navarro at partner, Karylle and husband Yael Yuzon, Anne Curtis, Ogie Alcasid at iba pa.
At sa kanilang pagbabalik-bansa, series of meetings naman ang kanilang aasikasuhin para sa kanilang pagbabalik-TV on October 30, Monday.
“It’s like having a launch of a new show,” sey ng mga nakausap naming nasa produksiyon ng noontime show.
Aabangan natin ‘yan lalo’t may mga usaping “language, spiels and actions under humor and comedy” na masusi at mahigpit umanong paiiralin after nga silang i-suspend ng MTRCB.





Comments