top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Isyu sa PUVMP, nagsimula na naman

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 22, 2024
1 min read

@Editorial | Marso 22, 2024


Muli na namang uminit ang usapin sa PUV Modernization Program.


Ito ay matapos maghain ang ilang miyembro ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para iatras ang consolidation ng mga prangkisa ng public utility jeepneys sa ilalim ng PUVMP ng pamahalaan.


Sa inihaing withdrawal petition, hinihiling nila sa board na ibalik ang kanilang mga prangkisa.


Ayon sa grupo, nadiskubre umano nilang hindi lehitimo at ‘di kayang pangasiwaan ng mga jeepney cooperatives o corporations ang fleet. Anila, 75 jeepney operators ang pumirma sa withdrawal petition.


Matatandaang pinalawig pa ang pag-a-apply para sa consolidation ng mga prangkisa hanggang sa Abril 30 ng kasalukuyang taon sa ilalim ng PUV modernization program.


Ang PUV modernization ay inilunsad noon pang 2017 kung saan ang mga lumang pampasaherong jeep ay papalitan ng modernong jeep para sa ligtas at maayos na biyahe ng mga pasahero. Gayunman, hanggang ngayon ay may mga operator at tsuper pa rin ang pumapalag dahil sa iba’t ibang rason.


Kaya umaasa tayo na sa haba ng panahon ay matapos na ang usapin. Mabigyan ng katiyakan na ang programa ay para talaga sa kapakanan ng transport groups at ng mga komyuter.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page