top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Isyu sa balik-ensayo na aprub sa IATF, lilinawin ng GAB sa TOPS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 9, 2020
  • 1 min read

ni MC - @Sports | July 9, 2020




Mabibigyan ng kalinawan ang isyu sa pagbabalik ensayo na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa professional sports na nasa pangangasiwa ng Games and Amusement Board.


Inasahang ibibigay ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang mga plano sa ahensiya sa gitna ng pandemya sa ikalawang paglarga ng ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom ng ‘Sports on Air’ ngayon ganap na 10:00 ng umaga.


Gayundin, magbibigay nang mga bagong kaganapan sa larangan ng football sa bansa sa pamamagitan ni Youth Football League president Mike Atayde.


Ihahayag ng dating Palawan Congressman at Governor ang mga progreso ng kanilang pagsumite sa tinatawag na "new normal " protocols sa mga pag-eensayo ng mga atleta sa PBA at PFL.


Matutunghayan ang live streaming sa Sports On Air sa facebook at Youtube ang lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at PAGCOR at binubuo ng pinakamalalaking tabloid organization sa bansa.


Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ang lahat ng miyembro ng makiisa sa programa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page