top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Istulen Ola, pinabilib ang fans sa 2-YO Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 23, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | August 23, 2022


Pinabilib ni Istulen Ola ang kanyang mga tagahanga ng sisiwin nito ang mga nakatunggali sa katatapos na 2022 PHILRCOM "2-Year-Old Maiden Stakes Race" na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas, Linggo ng hapon.


Walang kahirap-hirap na tinawid ng anak nina Brigand at Close Haul na si Istulen Ola ang meta kaya nasilo nito ang korona sa nasabing prestihiyosong karera para sa mga batang kabayo.


Terserong lumabas sa largahan si Istulen Ola habang nasa unahan niya ang bumanderang si Alalum Falls at nasa pangalawang puwesto na si Sylvia Plath.


Papasok ng far turn ay parang posteng nilampasan ng pag-aari ni Melaine Habla na si Istulen Ola sina Alalum Falls at Sylvia Plath at tinawid nito ang finish line ng wala man lang nakadikit sa kanya.


Ginabayan ni John Alvin Guce, umoras si Istulen Ola ng tiyempong 1:25.2 minuto sa 1,400 meter race sapat upang kubrahin ang P600,000 na premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Sinikwat ni Sonic Clay sa second prize na P200,000, habang tig-P100,000 at P50,000 sina third at fourth placers na sina Orange Bell at Stealing Heaven ayon sa pagkakasunod.


Pumang-lima si Bandido na nagbulsa ng P30,000 habang P50,000 ang inuwi ng breeder ng winning horse na si Arturo Sordan Jr.


Samantala, hindi naman nagpadaig si My Sweet Lord matapos nitong manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicappiing System na pinakawalan sa 11th ang finals race.


Nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie B Guce, tinawid ni My Sweet Lord ang meta ng may tatlong kabayo ang agwat sa nasegundong si Dambana, tersero si Prime Time Magic habang pang-apat si Blazing Bullet.


Inilista ni My Sweet Lord ang tiyempong 1:24.6 minuto sa 1,400 meter race sapat upang kubrahin ang added prize na P20,000 sa winning connection at karagdagang P5,000 premyo sa may-ari ng kabayo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page