top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Istriktong sundin ang mga vaccine handling protocol

Writer: BULGAR
BULGAR
May 20, 2021
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | May 20, 2021



Nananawagan tayo sa Department of Health na idiin sa mga local health units ang pangangailangan na istriktong sundin ang mga vaccine handling protocol.


Kamakailan, nasa 348 vials ng Coronavac ang nasayang sa bayan ng Makilala sa Cotabato nang iwan ito ng mga local health workers sa freezer na walang kuryente.


Napakahalaga ng mga bakuna ngayon, kaya’t hindi natin dapat inaaksaya ang mga ito.

Hindi dapat ipagkibit-balikat na lang ng DOH ang mga ganitong pangyayari.


☻☻☻


Mainam siguro kung may briefer at checklist ang mga local government unit na kanilang masasangguni kapag may mga sensitibong sitwasyon tulad ng brownout, bagyo, baha o kawalan ng storage facility.


Mabuti rin na magkaroon ang mga LGU ng “redundancies” at palaging monitoring sa proseso nila para hindi magkaroon ng mga “lapses”.


☻☻☻


Hindi naman na siguro natin kailangan ng “Pridyider Czar” para lang ma-monitor kung maayos ang pag-imbak ng mga bakuna.


Kailangan lamang tumatak sa lahat na SOP ang checking at counter-checking sa bawat yugto ng proseso.


Umaasa tayong susuriin ng DOH ang isyung ito nang hindi na maulit, lalo pa’t inaasahang daragsa ang mga bakuna sa mga darating na buwan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page