top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M

Iskul, 'di dapat pugad ng takot

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | August 28, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi na simpleng pag-aalala ang nararamdaman ng maraming magulang tuwing papasok sa eskwelahan ang kanilang mga anak. 


Sa sunud-sunod na insidente ng pamamaril, shooting threats at bomb jokes sa mga paaralan, ang dating itinuturing na ligtas na lugar para sa mga estudyante ay nababalot ngayon ng pangamba.


Isang salita lamang tungkol sa bomba o baril ay maaaring magdulot ng panic, suspensyon ng klase at trauma sa mga bata, guro at magulang. 


Sa kasalukuyang sitwasyon, walang paaralan ang dapat magsawalang-bahala sa kahit anong banta. Kailangang higpitan ang seguridad—mula sa pagpasok sa gate, inspeksyon ng mga bag, pagbabantay sa mga kahina-hinalang kilos hanggang sa mabilis na pakikipag-ugnayan sa pulisya. 


Hindi dapat umabot sa puntong takot nang papasukin ng mga magulang ang kanilang mga anak. Ang paaralan ay dapat na lugar ng pagkatuto, hindi lugar na pinangangambahang may bomba, baril o anumang banta sa buhay. 


Kailangang kumilos nang sabay ang paaralan, pamilya at pamahalaan bago pa may panibagong trahedyang pagsisihan ng lahat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page