top of page
Sarah Lahbati - IG.jpg

Pagbaha ng smuggled products, dapat may managot!

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | October 11, 2026



Editoryal, Editorial


Hindi na bago ang sunud-sunod na pagkakasabat ng mga smuggled products sa bansa. Mula sigarilyo hanggang pagkain at iba pang kalakal, patuloy ang banta ng ilegal na kalakalan. Ngunit sa bawat nakukumpiskang kontrabando, isang tanong ang dapat sagutin: Ilan pa ang nakakalusot?


Dapat kilalanin ang pagsisikap ng mga awtoridad sa paghuli ng mga ilegal na shipment. Gayunman, hindi sapat ang pagpapakita ng milyun-milyong pisong kontrabando kung hindi naman natutukoy at napapanagot ang mga sindikatong nasa likod nito. 


Ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa dami ng nakumpiska, kundi sa lawak ng napigilang smuggling.


Malaking dagok ang smuggling sa mga lehitimong negosyo, kita ng pamahalaan at kaligtasan ng mamimili. Kaya kailangang higpitan ang pagbabantay sa mga pantalan, palakasin ang imbestigasyon at panagutin ang sinumang mapatutunayang sangkot, maging negosyante man o opisyal ng gobyerno. 


Hindi sapat ang press release, photo opportunity at paulit-ulit na pagkumpiska. Ang kailangan ay mga kasong umuusad, sindikatong nabubuwag at sistemang hindi madaling nalulusutan. Dahil kung patuloy na bumabaha ang smuggled products, dapat ding itanong: Nasaan ang tunay na pananagutan?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page