top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Isko-Sara inihihirit ng DDS, Inday, baka ma-zero vote sa "Solid North"

BULGAR
Mar 12, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 12, 2022


MUKHANG MAY MASAMANG BALAK ANG MGA BUWAYA SA PAMAHALAAN SA P4.99-B PANTULONG SA MGA MALILIIT NA NEGOSYANTE – Ibinulgar ng COA (Commission on Audit) na ang higit P4.99 billion sa Bayanihan Act 2 na pantulong sana sa mga bumagsak na negosyo ng maliliit na negosyante, ay hindi raw naipamahagi ng Duterte gov't.


Mantakin n'yo, inaprub na ng Kamara at Senado ang halagang 'yan na pantulong sa maliliit na negosyante, tapos hindi naman pala ipinamahagi ng gobyerno.

Mukhang may masamang balak sa perang 'yan ng bayan ang mga "buwaya" sa pamahalaan kaya inipit at hindi ipinamigay sa maliliit na negosyante, mga pwe!


◘◘◘


HINDI DAPAT DEDMAHIN NI MAYOR INDAY ANG ISKO-SARA TANDEM NG MGA DDS KASI BAKA I-ZERO VOTE SIYA SA "SOLID NORTH" – Habang nagpapa-presscon ang grupo ng dating aktres na si DDS (Duterte Diehard Supporter) Vivian Velez tungkol sa isinulong nilang tambalang Isko-Sara (Mayor Isko Moreno for president at Mayor Sara Duterte for vice president), ay nagtungo ang ka-tandem ni Sara na si BBM (Bongbong Marcos) sa Abra at Kalinga at ipinakita sa publiko ang lakas ng kanyang pwersa sa "Solid North".


Dapat yata ay pagsabihan ni Mayor Sara si Vivian at ang iba pang DDS na nagsusulong ng Isko-Sara tandem na tantanan na nila 'yan dahil mistulang inilalaglag ng mga ito (DDS) si BBM, kasi kapag nabuwisit ang mga Ilocano sa Isko-Sara tandem na 'yan ay baka makatikim siya (Sara) ng zero vote sa "Solid North", boom!


◘◘◘


COMELEC TIKLOP KAY CALIDA – Noong una ay pinaninindigan ng Comelec ang pakikipag-partner sa online media organization na Rappler sa paghahatid ng balita sa publiko patungkol sa Halalan 2022, pero nang umeksena si Solicitor General Jose Calida at sabihan ang Comelec na huwag makipag-partner sa Rappler ay agad sumunod sa utos ng SolGen ang Comelec.


Isa ang nakikita nating dahilan kaya sumunod agad ang Comelec sa utos ni Calida, kasi takot silang (mga opisyal ng Comelec) ipa-quo warranto ng SolGen na maging dahilan para matanggal sila sa puwesto, period!


◘◘◘


SA KASAYSAYAN NG CSC NGAYON LANG ITO NAGKAROON NG HEAD NA PULITIKO – Itinalaga ni P-Duterte si Cabinet Sec. Karlo Nograles bilang bagong chairman ng Civil Service Commission (CSC).


Aba teka, dating congressman 'yang si Nograles bago naging miyembro ng gabinete, tapos siya ang ginawang head ng CSC.


Ngayon lang nangyari 'yan, sa panahon ni P-Duterte na ang itinalagang tagapangulo ng CSC ay pulitiko.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page