top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Isko, laglag sa survey, sinasabi niyang silent majority voters, imahinasyon lang!

BULGAR
May 3, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 3, 2022


SA MGA SURVEY FIRMS SA ‘PINAS TOP SI BBM, SA INTERNATIONAL GOOGLE TRENDS TOP SI LEN – Hindi lang mga presidential candidates ang nagpapaligsahan ngayong panahon ng eleksyon, kasi pati ang mga survey firms sa Pilipinas at ang international na Google trends nagpapaligsahan na rin sa pagre-report kung sino sa mga presidentiables ang nakakalamang na manalo sa darating na halalan.


Sa mga survey firms kasi sa Pilipinas ay laging top si former Sen. Bongbong Marcos, na kadalasan ang rating ay 56%, at pumapangalawa si Vice Pres. Leni Robredo sa rating na 23%, pero sa Google trends naman ay si VP Leni ang lamang sa iskor na 55%, at pangalawa si BBM sa iskor na 24%.


Kaya't ang tanong: Alin kaya sa mga survey firms sa Pilipinas at international Google trends ang nagre-report ng totoo sa taumbayan?


Magkakaalaman 'yan kapag natapos na ang bilangan ng boto sa presidential election, abangan!


◘◘◘


IMAHINASYON LANG NI ISKO NA NAKASUPORTA SA KANYA ANG SILENT MAJORITY – Sa latest survey na inilabas ng Pulse Asia ay nalamangan na ni presidential candidate, Sen. Manny Pacquiao si Mayor Isko Moreno, kasi ang rating ni Pacman ay 7%, at ang rating naman ni Yorme ay bumagsak sa 4%.


Kaya 'yung sinasabi ni Isko na sa kanya panig ang silent majority voters ay imahinasyon lang niya 'yun, kasi ang rating niya sa survey ay pabagsak, hindi pataas, period!


◘◘◘


DAMING BOBO-TANTE SA METRO MANILA – Naglabas ng local survey ang RP-Mission and Development Foundation (RPMD) na may kaugnayan sa mga kumakandidato sa pagka-kongresista sa National Capital Region (NCR), at base sa kanilang survey, top ang mga trapong (traditional politicians) sa Metro Manila.


Kung totoo ang survey na 'yan, pagpapatunay 'yan na napakaraming bobo-tante sa Metro Manila kasi mga trapo ang gusto nilang maging congressman sa kanilang mga distrito, boom!


◘◘◘


5-TAON IKINULONG SI DE LIMA NANG WALANG KASALANAN – Matapos bawiin ni drug lord Kerwin Espinosa ang testimonya niyang sangkot sa droga si Sen. Leila de Lima, ay iniatras na rin ni dating Bureau of Correction (BuCor) Director Rafael Ragos ang testimonya rin niya na dawit sa kalakaran ng illegal drugs sa Bilibid ang senadora, na ayon kina Espinosa at Ragos tinakot lang daw sila ng mga galamay ni P-Duterte kaya idiniin nila sa illegal drugs si De Lima.


Dapat talagang mapanagot ang mga opisyal ng Duterte gov't. na nag-utos kina Espinosa at Ragos na isangkot sa droga si De Lima, kasi mantakin n'yo, higit 5 taong ikinulong ang senadora nang wala naman pala siyang kasalanan, tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page