top of page
Search
  • BULGAR

Isinilang sa Year of the Rabbit, lalong sinusuwerte ‘pag pamilya ang prayoridad

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | February 25, 2021





Sa nakaraang mga isyu, natapos nating talakayin ang pangunahing ugali at sadlakang kapalaran ng animal sign na Tigre o Tiger ngayong 2021.


Sa pagkakataong ito, ang pangunahing ugali at kapalaran naman ng animal sign na Rabbit o Kuneho ang tatalakayin natin. Kung ikaw ay isinilang noong 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999 at 2012, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng Kuneho o Rabbit.


Sinasabing ang Kuneho ay siya ring Pisces sa Western Astrology, na nagtataglay ng ruling planet na Neptune.


Ang mga Kuneho ay natural na papalarin mula alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-7:00 ng umaga. Habang ang mapalad naman niyang direksiyon ay ang east o silangan.


Sinasabing higit na magiging mapalad ang Kuneho na isinilang sa panahon ng tag-araw o summer kung ikukumpara sa kapatid niyang isinilang sa panahon ng winter o tag-ulan.


Sa 12 animal signs, kung may sobrang nagpapahalaga sa pamilya at payapang kaisipan, Kuneho ang number one. Kaya naman mapapansin na ang mga Kuneho ay nagtatrabaho at nagsisikap talaga para sa kinabukasan ng kanilang pamilya. Bagama’t mahilig din ang Kuneho sa pakikipagsapalaran at adbentura, ito ay kanya namang lilimitahan para sa kapakanan ng kanyang mga mahal sa buhay.


Halimbawang may outing o lakad sa opisina na kani-kanyang gasta at malaki ang mawawalang pera ng isang Kuneho, mas malamang na manghinayang siya rito dahil tulad ng nasabi na, agad na papasok sa isip niyang ‘wag nang ilaan ang perang gagastusin sa pamamasyal, sa halip, gagamitin na lang niya ito para sa tuition fee at iba pang pangangailangan ng kanyang mga anak.


Dahil sa ganitong kundisyon ng kaisipan, ‘pag higit na ipinaprayoridad ang pamilya, nagiging mapalad naman at laging dinadatnan ng iba’t ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran ang isang Kuneho.


Dahil likas na mabait kung minsan, napagkakamalan din ang isang Kuneho na may mahinang disposisyon sa buhay at napakadaling maimpluwensiyahan. At kung minsan ay iniisip din ng mga nanonood sa kanya na siya ay babagal-bagal, kaya naman naaantala ang dating ng suwerte at magandang kapalaran.


Sinasabing kung mamadaliin ng isang Kuneho ang lahat ng bagay, lalo na ang pagdedesisyon at pagpapatupad ng mga bagay na kanyang napagdesisyunan ay mamadaliin din niyang ipatupad ang lahat ng pangarap at ambisyon niya sa buhay, walang kahirap-hirap, tunay ngang mas magiging maligaya at madaling magtatagumpay ang Kuneho, lalo na sa buong taong ito ng 2020.


Itutuloy

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page