top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Isasakay umano sa van… 2 Grade 5 students, nakaligtas sa ‘pagdukot’

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | November 14, 2022



Iniimbestigahan na ng pulisya ang umano tangkang pagdukot sa dalawang Grade 5 students sa isang paaralan sa Masbate City.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang alas-10:40 ng umaga, nag-aabang ng sasakyan ang dalawang estudyanteng lalaki na nasa labas lamang ng paaralan nang lumapit sa mga ito ang isang lalaki at inalok na ihahatid sila pauwi ng bahay.


Inakala naman ng dalawang bata na tricycle ang sasakyan, kaya pumayag ang mga ito.


Subalit nang papalapit na sila at nakita na isang van ang dala ng lalaki, kumaripas umano ng takbo ang mga estudyante pabalik sa kanilang eskwelahan.


Nabatid naman sa principal ng paaralan na noong Agosto, may tatlong Grade 5 students din ang tinangka umanong dukutin sa nasabing lugar.


“Kaya ngayon naghigpit po kami sa may gate. Kasi doon po sa likurang gate ‘yun. Isinara po namin ang gate sa likuran kasi wala po kaming official na guard na nagta-tao doon sa likod ng gate,” ani school principal na si Elvira Cabug.


Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng lalaki na sinasabi ng mga bata na kumausap sa kanila.


Dinagdagan na rin ng pamunuan ng paaralan ang kanilang seguridad para hindi na maulit pa ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page