Isang hakbang na lang sa Thunder finalist na
- BULGAR

- 9 hours ago
- 1 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | May 28, 2026

Photo: Pinagtulungan si Shai-Gilgeous Alexander ng Oklahoma City Thunder nina Victor Wembanyama at isa pa pagdating sa gitna para i-swak ang bola sa labang ito sa NBA West finals.
Laro sa Biyernes - Frost Bank
8:30 AM OKC vs. SA
Isa na lang ang kailangan ng World Champion Oklahoma City Thunder para bumalik sa NBA Finals! Tinalo nila ang bisitang San Antonio Spurs, 127-114, para sa 3-2 na kalamangan sa 2026 Western Conference Finals kahapon sa Paycom Center.
Itinabi ng Thunder ang kanilang malambot na simula at dalawa lang ang kanilang bentahe matapos ang 12 minuto, 29-27. Kumilos na ang OKC at lumayo, 45-35, sa pangunguna ni Alex Caruso.
Mula roon ay bumanat na si MVP Shai Gilgeous-Alexander ng 12 sa loob ng anim na minuto para maging 69-58 sa pagsara ng pangalawang quarter. Ipinasok ng OKC ang unang siyam ng pangatlong quarter para sa pinakamalaking agwat, 78-58.
Nagtapos si SGA na may 32 puntos na pinakamataas niya sa serye. Sumunod sina Caruso na may 22 at Jared McCain na may 20.
Nagtala ng 24 si Stephon Castle para sa Spurs. Nag-ambag ng 22 si Julian Champagnie at 20 kay Victor Wembanyama.
Ang Game 6 ay lilipat sa Frost Bank Center ngayong Biyernes. Sa mga seryeng best-of-seven na tabla sa 2-2, ang nanaig sa Game 5 ang tuluyang nagwawagi 91% kahit umabot ito ng anim o pitong laro.





Comments