top of page

Isang buwang bakasyon sa titser, malaking tulong lalo na sa mga estudyante

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 23, 2024
  • 1 min read

@Editorial | Pebrero 23, 2024


Marami ang sang-ayon sa 30 araw na tuluy-tuloy na bakasyon sa mga guro sa Hunyo.

Makakatulong umano ito sa pagpapabuti ng performance ng Pilipinas sa susunod na Programme for International Student Assessment (PISA).


Hindi bibigyan ng voluntary o mandatory tasks ang mga titser mula Hunyo 1 hanggang 30, 2024 para makapagpahinga sa pagtatapos ng kasalukuyang school year.


Sa panahong ito, mas makakapagpahinga at mae-enjoy talaga nila ang bakasyon. Wala ng DepEd-initiated activities sa summer season, kaya ‘di na mababawasan ang oras para sa sarili at pamilya.


Kasabay nito ang pagtitiyak ng Department of Education na hindi makakaapekto ang naturang hakbang sa performance ng bansa sa international large-scale assessments tulad ng PISA. Sa halip, makakatulong umano ito dahil ayon sa pag-aaral, nakikitang overworked ang mga guro at masyadong congested ang curriculum at napapagod maging ang mga mag-aaral. 


Nakikita natin na maganda ang layunin ng isang buwang bakasyon, umaasa tayo na talagang makakapagpahinga ang ating mga guro at makakapag-ipon ng mas maraming lakas para sa mas epektibong pagtuturo.


Sana, ito na ang simula ng mas marami pang makabuluhang programa o hakbangin para sa ikaaayos ng sistema ng edukasyon sa ating bansa.


Hindi na pwede ‘yung lagi tayong nangungulelat sa ibang bansa, ibalik natin ang husay at talino ng mga kabataang Pinoy sa tulong ng ating magagaling na mga guro.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page