top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Isa sa mga dahilan ng tuluy-tuloy na pagtaas ng kaso COVID-19 ang STL-con jueteng!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 25, 2022



DAPAT IREKOMENDA NG IATF SA MGA CITY MAYORS NA IPA-STOP ANG OPERASYON NG STL-CON JUETENG–Ang mas mainam na gawin ngayon ng IATF ay pagsabihan sina Manila Mayor Isko Moreno, Taguig City Mayor Lino Cayetano, Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, Pasay City Mayor Emmy Calixto-Rubiano, Makati City Mayor Abby Binay, Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, Las Pinñas Mayor Imelda Aguilar, Pateros Mayor Ike Ponce, Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan, Malabon City Mayor Len Oreta at Navotas Mayor Toby Tiangco na ipatigil na ang operasyon ng STL (Small-Town Lottery)-con jueteng sa kanilang mga nasasakupan para bumaba nang tuluyan ang COVID-19 cases sa NCR.


Sa totoo lang, isa sa mga dahilan kung kaya’t ang daming tinatamaan ngayon ng COVID-19 sa NCR ay dahil sa ginagawang pagbahay-bahay ng mga kubrador para magpataya ng STL-con jueteng sa Metro Manila, period!


◘◘◘


HINDI NAKAPAGTATAKA NA NUMBER 2 ANG CAVITE SA MAY MARAMING COVID-CASES KASI MARAMI RIN KUBRADOR NG PERYA NG BAYAN-CON JUETENG SA TERITORYO NI GOV. REMULLA–Pumapangalawa sa NCR na may pinakamaraming tinamaan ng COVID cases ay ang lugar ni Cavite Gov. Jonvic Remulla.


Noong Jan. 21, sa loob lang ng isang araw ay 2,409 ang nagka-COVID sa Cavite, at imbes na mabawasan, lalo pang dumami ang nagka-virus sa lalawigang ito.


Hindi nakapagtataka na maraming tatamaan sa Cavite kasi sangkaterba ang mga kubrador dito ng perya ng bayan-con jueteng ni “John Yap”, buwisit!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page