Isa sa mga bridesmaids… IVANA, HINDI SUMIPOT SA KASAL NINA IVANA AT RAY PARKS
- BULGAR

- Jun 12
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 12, 20255
Photo: Ivana Alawi, Zeinab Harake at Ray Parks - IG, YT
Bonggang-bongga ang kasal ng sikat na social media influencer na si Zeinab Harake at ng basketball player na si Ray Parks, Jr. na ginanap sa Aquila Crystal Palace sa Tagaytay.
Mala-fairytale ang setup at sosyal na sosyal ang ambiance. Nasa 100 guests ang inimbita sa kasal, at pawang mga celebrities ang mga bridesmaids nina Zeinab at Ray na sina Ivana Alawi, Alex Gonzaga, Jelai Andres, Andrea Brillantes, Loisa Andalio, atbp..
Tumayo rin bilang ninang at ninong sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.
Bongga ang mga regalo sa mga bridesmaids na pawang Chanel items.
Well, ang ganda-ganda ng wedding gown ni Zeinab na gawa pa ni Michael Cinco. Hamak na mas mahal ito sa wedding gown nina Marian Rivera at Heart Evangelista na milyones din ang halaga.
Bongga rin ang wedding gift ni Zeinab sa kanyang mister na si Ray Parks – isang brand new Toyota Land Cruiser.
Ganunpaman, marami ang nagtataka at nagtatanong kung bakit hindi dumalo sa kasal ni Zeinab ang kanyang mom. Balitang may tampuhan daw silang mag-ina.
Maging si Ivana Alawi na isa sa mga bridesmaids ay hindi rin dumating sa kasal nina Zeinab at Ray Parks.
KUNG marami sa Pinoy Big Brother (PBB) housemates ang humanga kay Bianca Umali nang ito ay maging celebrity houseguest sa Bahay ni Kuya, makakasundo rin ba nila si Barbie Forteza?
Certified jologs si Barbie at wala itong kaarte-arte. Sanay din siya sa hirap, kaya keri niyang gawin ang mga tasks na ibibigay sa kanya ni Kuya.
Kilalang palaban at walang inuurungan si Barbie at handang sumabak sa kahit na anong challenge.
Well, hindi naman mai-intimidate kay Barbie ang mga PBB housemates dahil napaka-down-to-earth ng aktres at marunong makisama. Aabangan ng mga viewers ng PBB Celebrity Collab Edition ang magiging reaction-impressions ng mga PBB housemates kay Barbie Forteza.
Mapantayan kaya niya ang impact na iniwan ni Bianca Umali?
LABIS na nagpapasalamat si Kylie Padilla sa GMA Network dahil binigyan pa rin siya ng pagkakataon na mapasama sa pagbabalik ng Encantadia sa ere.
Si Kylie ay gaganap bilang si Reyna Amihan at sa kanya ipinagkatiwala ang pamamahala sa kaharian ng Encantadia.
Hindi napigilan ni Kylie na maging emosyonal sa naganap na mediacon ng Encantadia dahil naging malaking bahagi ng kanyang career ang pagkakasama noon sa fantaserye.
At feeling niya, may naiwan siyang unfinished business nang bigla siyang mahinto at nawala ang kanyang character bilang si Amihan.
Preggy na siya noon sa anak nila ni Aljur Abrenica na si Alas at ngayong bahagi na siya uli ng Encantadia ay magagawa na ni Kylie ang mga bagay na dapat niyang ginawa noon bilang si Amihan.
Ang Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) ay mapapanood na sa GMA-7, mula sa direksiyon nina Rico Gutierrez at Enzo Williams.
MARAMING viewers ang nagsasabing mas naging interesting ang takbo ng istorya ng Mga Batang Riles (MBR) nang pumasok ang character ni Jillian Ward bilang si Lady. Marami rin ang kinilig sa tambalan nila ni Raheel Bhyria, may chemistry sila at swak ang kanilang personalidad.
Mas okey daw para kay Jillian na itambal sa iba’t ibang Sparkle actors. Dramatic actress si Jillian, kaya puwede siya kahit walang ka-love team.
Ganunpaman, gusto ng mga fans ni Jillian na makatagpo na rin siya ng kanyang “the one” upang magkaroon ng inspirasyon dahil hanggang ngayon ay wala pang ipinapakilala ang aktres na kanyang special someone.
Career ang kanyang priority kaya hindi niya nabibigyan ng panahon ang kanyang love life. Masaya naman daw siya kapag kasama ang kanyang pamilya at ine-enjoy muna ang pagiging single.










Comments