top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Isa na lang sa Gin Kings!

BULGAR
Apr 18, 2022
2 min read

ni GA - @Sports | April 18, 2022



Tinungga ng Brgy. Ginebra ang ikalawang sunod na panalo sa best-of-seven championship series laban sa Meralco Bolts sa bisa ng 115-110 upang makuha ang 3-2 kalamangan sa Game 5 ng PBA Governor's Cup final kagabi sa Araneta Coliseum, Quezon City.


Mahihirap na tirada ang ginawang palitan ng dalawang koponan sa final period, ngunit sa bandang huli ay nagtagumpay pa rin ang Brgy. Ginebra at kinakailangan na lamang ng isang panalo upang makuha ang kanilang ika-14th titulo sa liga. Naging malaking tulong para sa Gin Kings ang 16-of-34 sa three-point area at ang 30 kabuuang assists sa laro.


Bumida para sa Ginebra si Justine Brownlee na may 40 puntos, 11 rebounds, 5 assists sa 13-of-17 shooting, kabilang ang 5-of-7 sa three-point shot. Kinapos ng panibagong triple-double si Scottie Thompson sa 19pts, 11 assists at 9 boards sa 8-of-15 shots, habang naging malaking kontribusyon ang binigay ni Arvin Tolentino sa 16pts sa 4-of-9 sa tres. Nag-ambag rin ng 13pts si Christian Standhardinger at 10pts kay LA Tenorio.


Matapos namang mabokya sa first period, kumamada ng husto si Meralco import Tony Bishop sa second half para pangunahan sa 30pts at 15 rebs na kinapos ang paghihirap kasama sina Chris Newsome na may 27pts, Arron Black sa 25pts at Allein Maliksi sa 12pts.


Naging malaking pagbuhay para sa Gin Kings ang magkasunod na baskets ni Standhardinger at isang tres ni Scottie Thompson ang nagdala sa Gin Kings upang muling iangat ang kalamangan nito sa 105-97 ng laro kasunod ng 15-4 run ng Meralco na tinapyas ang 14-pt lead sa isa sa 4:44 ng laro.


Sa takbo ng laro, nakapagrehistro ng double-digit na kalamangan ang Gin Kings sa pagtatapos ng first half sa pamamagitan ng 54-43 sa pagbibida ni Brownlee sa 17pts, 5 rebs, at 4 assists sa 7-of-10 field goal shooting, kasama ang 2-of-3 sa rainbow arc.


Naging maganda ang ikot ng bola para sa Gin Kings sa 14 assists kumpara sa 6 lamang ng Meralco, habang nag-init naman sa 8-of-16 sa three-point area ang Ginebra para maging malaking tulong sa koponan na makuha ang kalamangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page