top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Isa na lang sa Basilan champ na sa VisMin Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 13, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 13, 2021




Isang panalo na lamang ang kinakailangan ng Mindanao leg titlist Jumbo Plastic Basilan Peace Riders laban sa Visayas Division champion KCS Computer Specialist-Mandaue City, 96-91, para makuha ang 2-0 lamang at lumapit sa kauna-unahang titulo ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Southern Finals Game 2, kagabi para sa best-of-five sa Pagadian City Gymnasium, Pagadian, Zamboanga del Sur.


Bumanat ng mahahalagang basket sa fourth period si big man Jay Collado, habang naging mainit naman sa three-point area sa kabuuan ng laro si dating Rain or Shine Elasto Painters guard Jonathan Uyloan para tulungan ang koponan na mailapit sa titulo.


Kumamada ng 17 pts si Collado at ang mahalagang 5 puntos sa huling canto, at ang mainit na 5-of-10 tres at 19 pts ni Uyloan, samantalang sumaklolo sa 13pts at 14 rebounds si Mike Mabulac. Nanguna naman sa KCS-Mandaue si Rhaffy Octubre sa tournamwent-high 27pts katulong sina Phil Mercader, Gileant Delator at Shaq Imperial na may tig-12pts.


Sinubukang maibaba ng KCS-Mandaue ang kalamangan ng Basilan Peace sa dalawa, 81-83 mula sa dalawang sunod na tres galing kina Dyll Roncal, Rhaffy Octubre at Joseph Nalos sa 5:12. Ngunit nagpakawala ng 11-2 run sa 1:54 mula sa tres ni Collado para iakyat sa 11 ang lamang.


Nagsimulang mag-init ang laro ni Mindanao leg Finals MVP Cris Bitoon ng bumakbak ito ng 9 na puntos sa third canto para tulungan ang Basilan Peace Riders na mapalobo ang kalamangan sa pagtatapos ng naturang quarter sa 75-65.


Nagawang makipagsabayan sa opensiba ng KCS-Mandaue sa ikalawang quarter, habang ilang beses ring nagpalitan ng kalamangan ang dalawang koponan hanggang sa tuluyang maagaw ng Basilan Peace Riders bentahe sa pagtatapos ng 2nd canto sa 43-46.


Unang nagwagi sa Game 1, 94-67 na pananambak ang Basilan sa Mandaue City noong Miyerkules ng gabi.Tinapos ng Basilan ang first period sa 24-11, na sinundan ng 44-31 sa halftime, hanggang sa lalong tumindi ang opensa at dominasyon ng Basilan Peace Riders sa pagtatapos ng third canto sa 75-46, para patuloy na malinis ang record nito simula elimination round sa 8-0 at nanagasa sa Mindanao leg finals sa 2-0.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page