top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Iron Hook walastik sa PHILRACOM RBHS

  • BULGAR
  • Oct 25, 2021
  • 1 min read

ni Green Lantern- @Renda at Latigo | October 25, 2021



Kinalawit ni Iron Hook ang panalo sa PHILARACOM Rating Based Handicapping System na ginanap sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite, kahapon.


Sakay si JML Siego, inilista ni Iron Hook ang tiyempong 1:21.6 minuto sa 1,300 meter race sapat upang ibulsa ng horse owner ang added prize na P5,000.


Dumating na segundo si Taipan One habang tersero si Yabba Dabba Doo. Ipinuwesto ni Siego sa segundo si Iron Hook para pagmasdan ang nangungunang Believe Me.


Pagsapit ng far turn ay lumapit na ang winning horse at sa huling kurbada ay nakakapit na si Iron Hook. Ang event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Samantala, nagpakitang gilas si Righteous Ruby noong Sabado nang manalo sa Condition Race Merged (10). Kahit matutulin sa largahan, hindi basta nagpaiwan si Righteous Ruby, naghintay lang ng magandang tiyempo bago ito rumemate.


Sinakyan ni class A rider Fernando Raquel, pumuwesto si Righteous uby sa pang-anim sa largahan habang nasa unahan si Raintree Starlet na abante ng dalawang kabayo sa sumesegundong Kid Baloloy sa unang 200 metro ng laban.


Lymayo pa hanggang anim na kabayo ang lamang ni Raintree Starlet papasok ng far turn pero nagsimula nang magparamdam ng lakas si Righteous Ruby na nakakapit na sa 3rd place.


Malakas ang dating ni Righteous Ruby dahil isinigaw ng husto ang pangalan ng race caller sa far turn kaya pagsapit ng home turn ay nakapatong na ang winning horse kay Raintree Scarlet.


Nanalo si Righteous Ruby ng may 8 kabayo ang distansya sa sumegundong Raintree Scarlet, tumersero si Kid Baloloy. Inilista ni Righteous Ruby ang 1:33.4 sa 1,500 meter race, dumating na 4th si Truly Ponti.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page