top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Iranian, kulong sa P18.6M pekeng gold bar

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 1 min read

ni Gina Pleñago @News | May 17, 2026



Fake gold bars, Iranian nabbed - PNP

Photo: PNP



Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng 32-anyos na Iranian national matapos tutukan ng baril at takutin ang niloko niyang negosyante na pinagbentahan ng P18.6 milyong halaga ng mga pekeng gold bar, Biyernes ng gabi sa Makati City.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Makati City Prosecutor’s Office ang suspek na si alyas Saeid, 32.


Base sa ulat kay Makati City Police Station commander, Police Colonel Pedro Alagano Jr., inireklamo ang dayuhan ng swindling, grave threats, grave coercion, falsification of documents, at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).


Ayon sa imbestigasyon, alas-11:10 ng gabi noong Mayo 15, nangyari ang transaksyon sa loob ng opisina sa isang hotel sa Poblacion, Makati City.


Nang tanggapin ng suspek ang kabayaran, ibinigay niya sa biktima ang isang maletang may kandado na naglalaman ng mga gold bar at “certificate of authenticity”.

Gayunman, nang suriin at timbangin ng biktima at testigo ang mga ginto, natuklasan nilang peke ang mga ito kaya’t kinompronta ang suspek at pilit na ipinababalik ang perang kanilang ibinayad.


Dito na bumunot ng kalibre .9mm pistol ang dayuhan na itinutok sa biktima at tinakot na papatayin kapag tumawag ng pulis. Hindi naman nagpasindak ang dalawa at nakipambuno sa dayuhan hanggang sa maagaw nila ang armas na dahilan para maaresto ang suspek ng mga nagrespondeng tauhan ng Makati police.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page