top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Iran, may bantang kulong sa makikipag-ugnayan sa mga dayuhan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 38 minutes ago
  • 2 min read

ni Justine Berganio @World News | August 24, 2026



Iranian Police arrest citizen bring into prison - Circulated, hrana-org

Photo: Circulated, hrana-org



Mahigpit ang maaaring ipataw ng Iran sa pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan nito sa mga dayuhang institusyon, media at organisasyon matapos aprubahan ng Parliament ang balangkas ng panukalang batas laban sa tinatawag nitong “foreign influence.”


Kabilang sa maaaring mapasailalim sa pagbabawal, permit o parusang kriminal ang pakikipag-ugnayan sa foreign media, embassies, unibersidad, research institutions at ilang international organizations, gayundin ang pagtanggap ng foreign financial support.


Hindi pa ito ganap na batas dahil kailangan pa itong aprubahan ng 12-member Guardian Council. Iginiit naman ng mga tagasuporta na kailangan ang panukala upang labanan ang mga aktibidad ng foreign intelligence agencies at magkaroon ng mas malinaw na legal na basehan laban sa foreign influence.


Gayunman, nangangamba ang ilang Iranian legal experts na malabo ang hangganan ng ordinaryong pakikipag-ugnayan at gawaing maaaring ituring na foreign influence. 


Ayon kay lawyer Sina Yousefi, maaari itong magdulot ng takot sa mga mamamayan na makipag-usap sa foreign media o makipagtulungan sa mga dayuhang institusyon.


Maaari ring maapektuhan ang mga mamamahayag dahil may probisyon na maaaring magparusa ng anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakakulong sa pakikipanayam o pakikipag-usap sa media na itinuturing ng gobyerno na “hostile” sa Islamic Republic.


Pati mga unibersidad at researchers posibleng maipit dahil inaatasan ang Intelligence Ministry na maglabas ng listahan ng mga foreign universities at institutions na aprubado para sa scientific cooperation. Ang pakikipagtulungan sa mga institusyong wala sa listahan ay maaaring ipagbawal at humantong sa kriminal na kaso.


Sakop din ng panukala ang ilang NGOs, associations at political parties na tumatanggap ng foreign funding o nakikipagkooperasyon sa mga dayuhang organisasyon. Kailangan umano ng pahintulot mula sa isang komiteng binubuo ng mga ahensya ng gobyerno at security institutions.


Ayon kay legal expert Moein Khazaeli, maaari umanong magamit ang panukala laban sa political opponents at human rights activists dahil may mga ordinaryong gawain na maaaring mapasailalim sa mas mabigat na parusa kung mapagpapasyahan ng awtoridad na may foreign influence sa likod nito.


Samantala, nasa 177th sa 180 bansa ang Iran sa 2026 World Press Freedom Index ng Reporters Without Borders, habang itinuturing na lubhang limitado ang access sa impormasyon sa loob ng bansa.


Para sa mga kritiko, hindi lamang laban sa espionage ang panukala kundi maaari rin itong magpalawak sa kontrol ng estado sa media, akademya, civil society at daloy ng impormasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page