top of page
FRANKLY - IYAKAN N’YO ANG NINANAKAWANG PILIPINO - KAREN-IG _iamkarendavila.jpg

Iran, may banta sa US ‘pag ipinagpatuloy ng Israel ang pag-atake sa Beirut

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 1 min read

ni Jenny Rose Albason @World News | June 3, 2026



Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi - aa com


Nagbabala ang Iran na maaaring maapektuhan ang umiiral nitong ceasefire understanding sa Estados Unidos kung magpapatuloy ang mga pag-atake ng Israel sa Beirut, Lebanon, sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.


Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi, saklaw ng kasunduan sa Washington ang pagpapanatili ng tigil-putukan sa lahat ng larangan, kabilang ang Lebanon. Aniya, ang anumang paglabag sa isang bahagi ng kasunduan ay maaaring magdulot ng pagbagsak ng kabuuan nito.


Ang pahayag ay kasunod ng utos ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na magsagawa ng airstrikes sa Dahieh district sa Beirut, na inilarawan niyang pagtarget sa mga "terror infrastructure" na umano'y may kaugnayan sa mga pag-atake ng rocket at drone na iniuugnay sa Hezbollah.


Samantala, sinabi ni US President Donald Trump na patuloy siyang nakikipag-ugnayan sa magkabilang panig, kabilang si Netanyahu at mga kinatawang may kaugnayan sa Hezbollah.


Sa kanyang mga social media post, sinabi ni Trump na walang planong magpadala ng mga tropang Amerikano sa Beirut dahil sa umiiral umanong kasunduan na naglalayong itigil ang sigalot kapalit ng pagtigil ng Israel sa pambobomba sa Lebanon.


Gayunman, wala pang kumpirmasyon sa sinasabing direktang komunikasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Hezbollah.


Kinumpirma naman ni Netanyahu ang kanyang pakikipag-usap kay Trump, ngunit iginiit na magpapatuloy ang operasyon ng Israel laban sa Hezbollah hangga't nagpapatuloy ang mga pag-atake ng militanteng grupo laban sa mga sibilyan sa Israel.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page