Ipinauubaya na raw sa mga fans niya… RYZZA MAE, AYAW NANG PATULAN ANG ‘LOTUS FEET’ JOKE NI KIM
- BULGAR

- Jul 1
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 1, 2026

Photo: Ryzza Mae Dizon - IG
Ayaw nang mag-comment ni Ryzza Mae Dizon tungkol sa ‘Lotus Feet’ joke sa kanya ni Kim Chiu. Sapat nang idinepensa siya ng kanyang mga fans, kaya pinili niyang manahimik na lamang.
Ayaw ni Ryzza na lumaki pa ang isyu sa kanila ni Kim. Ipinauubaya na lang niya sa Diyos ang lahat.
Super blessed siya ngayon, kaya iyon ang dapat niyang ipagpasalamat. Lahat ng kanyang mga pangarap noon ay natupad at nabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Sa kabila ng mga paghamak at panlalait sa kanya noong nagsisimula pa lang siyang pumasok sa showbiz, hindi sumuko si Ryzza Mae, kahit na binansagan siyang ‘monster’ ng kapwa niya contestants sa Little Miss Philippines segment ng Eat… Bulaga! (EB!).
Hindi siya nagpaapekto at pinatunayan niya sa lahat na may angkin siyang talento.
Sa edad niyang pito ay nagkaroon na siya ng sariling show sa GMA-7, ang The Ryzza Mae Show (TRMS). Dito ay naka-one-on-one interview niya ang mga sikat na artista. Kaya ba ‘yun gawin ng ibang child stars noon?
Matibay ang loob at may karisma si Ryzza Mae Dizon a.k.a. Aleng Maliit.
Samantala, ilang fans ang nagsa-suggest na sana, kapag magkasama sina Ryzza at Bimby Yap sa EB! ay magsuot siya ng sapatos na may heels upang hindi halata na kulang siya sa height.
Ang tangkad ni Bimby kaya napapansin na alangan siya rito. Kinikilig pa naman sa kanilang tandem ang mga fans ng MaeBy.
Aktor, 34 yrs. old na…
ENRIQUE, 18-ANYOS LANG ANG IPINALIT KAY LIZA
Kumakalat sa social media ang mga larawan ni Enrique Gil kasama ang magandang Fil-Am TikTok (TT) star na si Andrea Brown.
May mga sightings na madalas silang magkasama at nagbabakasyon sa isang resort o farm sa Batangas. Isa ring dance influencer ang diumano’y bagong dyowa ni Enrique.
Pero, ginagawan ngayon ng isyu ang kanilang agwat ng edad. Sinasabing minor pa lang si Andrea, samantalang si Enrique ay 34 years old na.
Pero nilinaw ng mom ni Andrea na 18 years old na ang kanyang anak at hindi na minor. May karapatan na raw itong magdesisyon pagdating sa kanyang love life.
Sa USA nagtatrabaho at naninirahan ang mom ni Andrea, pero updated siya sa mga kaganapan sa buhay ng kanyang mga anak.
Well, sa ngayon ay wala pang opisyal na pag-amin si Enrique sa status ng relasyon nila ni Andrea. Pero ayon sa mga netizens, sa kanilang mga kilos at madalas na pagsasama sa mga events, ‘more than friends’ na sila. At si Andrea Brown umano ang ipinalit ni Enrique Gil kay Liza Soberano.
NAGTAYO ng sarili niyang negosyo sa United States of America (USA) ang dating Kapuso actress na si LJ Reyes at nagpa-blessing ito kamakailan.
Cookies at iba pang pastries ang products na itinitinda ng aktres. Well, for sure ay masaya ang mga friends at fans ni LJ sa bagong chapter ng kanyang buhay ngayon.
Bukod sa natagpuan na niya ang lalaking tunay na nagmamahal sa kanya at sa kanyang mga anak, nakaramay din niya ito upang makabangon at maka-move on sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.
Kung nasaktan man siya nang todo nang maghiwalay sila ni Paolo Contis, ngayon ay binigyan naman siya ng magandang buhay sa kanyang bagong pag-ibig.
Well, deserve ni LJ Reyes ang kaligayahan at peace of mind pagkatapos ng masasakit na karanasan niya sa pag-ibig.
Ibinigay ng Diyos sa kanya ang karapat-dapat na lalaking makakasama niya habambuhay na si Philip Evangelista.





Comments