Ipinanganak na raw na may ganu'n… ZSA ZSA, IBINULGAR ANG KAKAIBANG SAKIT
- BULGAR
- 45 minutes ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 1, 2025
Photo: Zsa Zsa Padilla - IG
Ibinahagi ni Zsa Zsa Padilla ang kanyang matagal nang laban sa congenital condition na “mega ureter” na naging sanhi ng paulit-ulit niyang UTI.
Noong 2024 ay sumailalim na siya sa robotic surgery sa Singapore. Naging matagumpay naman ito at nagdulot ng mabilis na recovery.
Dahil sa kanyang kondisyon, naudlot ang kanyang 40th anniversary concert noong 2023 upang bigyang-daan ang kanyang paggaling.
Ngayong 2025, excited na siyang bumalik sa entablado para sa kanyang 42nd anniversary concert na Through The Years (TTY). Handa na muli ang Divine Diva sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati.
Ang singer ay ipinanganak na may mega ureter, isang congenital condition kung saan ang kanyang kaliwang ureter ay mas malaki kaysa sa normal.
Dahil dito, nakakaranas siya ng paulit-ulit na urinary tract infections (UTI) at kinailangang regular na uminom ng antibiotics.
Noong January 2024, nagpasya siyang magpunta sa Singapore upang sumailalim sa isang high-tech na robotic surgery.
Ayon sa kanya, “Sobrang high-tech ng procedure at wala akong naramdamang pain. Mabilis din ang aking recovery.”
Ibinahagi rin niyang wala siyang kidney disease.
Aniya, “Btw (by the way), my Dr. (Doctor) told me the procedure done was ROBOTIC LEFT URETERIC REIMPLANTATION & INSERTION OF LEFT DJ STENT. I don’t have a rare kidney disease — read it somewhere — so it’s not true. I was just born structurally different.”
SUMABAK sa Bench Fashion Week para sa Spring Summer 2025 sina Robbie Jaworski, Jameson Blake, Gela Atayde, Kira Balinger, at P-Pop artists na ginanap kamakailan sa BGC.
Regarding Gela, ang layo na talaga ng nararating ng anak ng veteran actress na si Sylvia Sanchez at ni Papa Art Atayde.
She’s doing on her own sa kanyang showbiz career without the help of her mom at mga kapatid na sina Ria at Congressman Arjo Atayde.
Hindi sa akting unang sumabak si Gela kundi sa pagsasayaw.
Noon pa mang younger days niya ay nakikita na naming mahilig magsayaw si Gela.
Nasali siya sa dance group competition named Legit Status (LS) abroad and they won the grand finals sa “World Hip Hop Dance Competition”.
From then on, nagtuluy-tuloy ang career ni Gela sa dancing hanggang naging host siya ng dance competition titled Time To Dance (TTD) with Robi Domingo.
In fairness, ang husay mag-host ni Gela — marunong siyang sumalo sa mga adlib ni Robi.
Sinubukan din niyang mag-try sa akting. Nakasama siya sa teleserye ni Andrea Brillantes, ang Senior High (SH) kung saan nagkaroon pa ito ng second season na High Street (HS).
Tuluy-tuloy ang blessings na dumarating kay Gela. May TVC na rin siyang ginawa kasama ang malalaking artists ng showbiz na sina Gary Valenciano at Marian Rivera, ang 50th anniversary ng Shakey’s.
Nakakuwentuhan namin minsan si Gela. Aniya, she’s happy sa dumarating na blessings sa kanya.
Thankful siya sa kanyang mom at Papa Art na laging nakasuporta sa kanya — also her siblings, Cong. Arjo at Ria.
Having the TVC with Gary V and Marian, “Hindi ko po akalain na makakasama ako sa kanila. Na-surprise po talaga ako at star struck with these two big actors in showbiz. They are amazing people. Grabe po.”
May bagong project ding ginawa si Gela na hindi pa naipapalabas, ang Bagman. Makakasama niya rito ang kanyang Kuya Arjo at ang Teleserye Queen na si Judy Ann Santos.
Natanong namin si Gela how was it working with the Teleserye Queen?
Ani ng versatile young actress, “At first po, talagang kinakabahan ako. Hindi ako makapagbitaw agad ng line ko dahil nauunahan ako ng nerbiyos. But I admired Ate Juday, inaalalayan n’ya ako.
“She comforted me every time na may eksena kami, she’s holding my hands, lalo pa’t kailangan ay Tagalog ang dialogue ko at mahahaba pa. Knowing po naman na baluktot ako managalog at may time pa po na may sinasabi ako, which hindi ko po alam ang meaning.
“Ine-explain po na mabuti sa akin ni Ate Juday. Ganu’n po siya — super bait at very humble.”
Comments