‘Di naman daw ganu'n dati… JOMARI, NAGULAT NA DAKS NA SI MARK ANTHONY SA SEX VIDEO SCANDAL
- BULGAR

- May 1
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 1, 2025
Photo: Jomari Yllana - IG
Inamin ni Jomari Yllana na araw-araw ay nami-miss niya ang showbiz simula nang pansamantala siyang tumigil sa pag-aartista upang mag-focus sa kanyang pagiging konsehal ng District 1 ng Parañaque.
Matatandaang nanalong konsehal si Jomari in 2016 at na-elect in 2019 and 2022. Hindi na siya tumakbo sa anumang posisyon ngayong 2025 elections at sa halip, ang misis niyang si Abby Viduya na kilala ring Priscilla Almeda noong aktres pa siya ang kumandidato para sa posisyong mababakante niya.
Ayon kay Jom nang makatsikahan namin sa presscon ng Motorsport Carnivale 2025 sa Okada, Manila last Tuesday, 10 years na rin daw siyang nakabakasyon sa showbiz at ang last project pa raw niya ay ang teleseryeng The Half Sisters (THS) sa GMA-7 in 2015.
“Every now and then, Ang Probinsyano would call, GMA would call, I had to decline. Ang point ko lang, I had to be present in every flag ceremony, 8 AM to 5 PM type of work, desk work lang, walang workout, walang gym, obvious ba?” sey ni Jom sabay tawa.
“Very fulfilling although I miss showbiz everyday, I miss the craft, I miss ‘yung the world of make-believe,” dagdag pa niya.
Pero mayroon naman daw siyang isang proyektong ginawa na hindi pa raw niya alam kung kailan maipapalabas.
Samantala, nahingan ng reaksiyon si Jom tungkol sa nude video scandal issue ng kaibigan niya at dating kasamahan sa Gwapings na si Mark Anthony Fernandez.
“Baka i-quote ako,” aniya.
“Siyempre, ang laki ng reaction ko,” sabay tawa.
“Sabi ko, ‘Ano’ng nangyari d’yan? Hindi ka naman ganyan kalaki noon!’ Joke!” dagdag pa ng aktor na tawa nang tawa.
“Nagulat ako. Ano’ng nangyari?” sambit pa niya ulit.
Pero ganyan naman daw sila magbiruan kahit bihira na silang magkita.
“Ganyan naman kami, alaga ni Douglas [Quijano] would always joke like that. Ganyan kami, make fun of each other. But dikit-dikit na ‘yung mga pusod namin. Bihira lang kami magkita pero ganyan naman kami palagi,” aniya.
Sa ngayon ay abala si Jomari sa Motorsport Carnivale 2025 at sey niya, ang goal niya
ay maibalik sa world map of motocross ang Pilipinas.
Ang aktor mismo ang organizer ng nasabing motorsport festival through his Yllana Racing Team in partnership with Okada, Manila. Magsisimula na ito ngayong May 4, 2025.
“We want to rally every racing enthusiast, family, and fan into one inclusive and passionate motorsport community,” saad ni Jom.
Motorsport Carnivale 2025 is co-led by Rikki Dy-Liacco, a respected champion racer and Head of Motorsports at the Automobile Association Philippines (AAP), the country’s official representative to the Fédération Internationale de l'Automobile (FIA).
BUMUHOS ang suporta ng kanyang pamilya, fans, at mga kaibigan para kay Kyline Alcantara sa gitna ng kinakaharap niyang isyu sa love life.
Last Tuesday (April 29) night, naglabas din ng pahayag ang Sparkle GMA Artist Center. Base sa official statement, gusto na lamang mag-move on ng aktres at panatilihin ang kanyang peace. Nananatili rin umano ang kanyang respeto sa mga taong naging parte ng kanyang buhay. Umaasa rin si Kyline na matitigil na ang usaping ito.
Kasunod ng kanyang pananahimik, pinuri ng mga tao ang classy at sophisticated na paraan ng pagharap ni Kyline sa sitwasyon.
Samantala, ito ang laman ng inilabas na official statement ng Sparkle GMA Artist Center hinggil sa mga isyung kinasasangkutan ng kanilang artist na si Kyline dahil sa breakup nila ni Kobe.
“Kyline would like to move on with this issue.
“She has chosen to keep her peace and maintain the respect for the people who have been part of her life.
“She hopes we can all move on and put this issue to rest.”
Sey naman ng isang netizen, “I admire Kyline for choosing peace over drama. It takes strength and grace to stay respectful even when things get tough. Wishing her continued growth and happiness. She deserves it! Signs of being a matured and strong woman. We love you, Kyline!”
Samantala, sa kanyang latest Instagram (IG) post, ibinalandra ng aktres ang kanyang ganda habang isine-celebrate ang 4.9 million followers. Marami pang dapat abangan kay Kyline Alcantara kabilang ang upcoming series na Beauty Empire (BE). Keep slaying, Kyline!










Comments