top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ipinalit kay Kathryn… BAGONG RICH GF NI DANIEL, AMANDA ANG NAME

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2024
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 28, 2024


Showbiz News
Photo: Daniel Padilla / FB

Hindi pa rin mamatay-matay ang tsikang may bago nang girlfriend (GF) si Daniel Padilla matapos ang breakup nila ni Kathryn Bernardo late last year.


May ilang buwan na ring kumakalat ang tsismis tungkol sa pagkakaroon ng bagong dyowa ni DJ at ang una ngang balitang lumabas ay rich daw ang girl.


Ngayon ay may pangalan nang lumilitaw sa diumano’y non-showbiz GF ng aktor.


Sa latest episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz, ibinahagi ng talent manager/online show host na may nagpadala raw ng private message (PM) sa kanya at sinabi ang pangalan ng umano’y bagong GF ni Daniel.


“May nag-PM sa ‘kin. Kasi tinatanong ako kung mayro’n na ring jowa si DJ, si Daniel Padilla. 

“At tinatanong ako kung totoo po ba na ang pangalan ng bagong girlfriend ni DJ ay Amanda,” kuwento ni Ogie.


Aniya ay hindi rin niya alam kung totoo ang tsikang ito dahil ang tanging makasasagot lang nito ay si Daniel.


“Hindi naman natin alam ‘yan. Talagang binabasa lang natin ‘yan at bahala na sila—si Daniel, si Kathryn, kung mayro’n silang gustong sabihin sa mga fans,” sey ni Ogie.


Anyway, sana’y malinaw mismo ni Daniel ang tsikang ito dahil siyempre, nag-aabang ang mga fans kung ano ba talaga ang totoo. 


Bukas ang aming pahina para sa kanyang pahayag tungkol dito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page