top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ipinalit daw kay Yen… AKTRES NA MALAPIT NANG LUMIPAD, BAGONG DYOWA NG RICH POLITICIAN

BULGAR
Sep 17, 2021
3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 17, 2021



Nakakalokah ang mga statement at “pa-big reveal” nina Manay Lolit Solis at Ninang Cristy Fermin sa kanilang online show na Take It Per Minute…Me Ganon? last Tuesday kung saan kasama nila ang DJ na si Mr. Fu tungkol sa ilang linggo nang pinag-uusapang relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos.


Tiyak na mismong sina Paolo at Yen ay nawindang sa mga sinabi nina Manay Lolit at Ninang Cristy tungkol sa kanilang dalawa kung napanood nila ang naturang episode.


Pinag-usapan ng tatlong hosts sina Paolo at Yen na may involved na pera.


Intriguing na hirit ni Manay Lolit, "Pero hindi, maninibago si Yen kay Paolo."

Salo naman ni ‘Nang Cristy, "Dahil?"


Sagot ni Manay Lolit, "Walang kasingdami ng datung du’n sa pinanggalingan niyang…” ngunit hindi na nito pinangalanan ang tinutukoy na ex ni Yen.


Dagdag pa ng manager ng aktor, “Si Paolo. Baka siya pa gumasta sa Baguio… knowing Paolo.”

Hirit naman ni ‘Nang Cristy, “Si Yen ‘yung literal na tinatawag na babaeng may brilyante sa pinakamahalagang bahagi."


"Sumisirko?" ‘kaaliw na tanong ni Manay Lolit.


Sabi naman ni Ninang Cristy, si Yen daw kasi ang tipong lapitin ng mga lalaki dahil sa lakas ng karisma.


Tanong ni Mr. Fu, matagal daw bang naging si Yen at ‘yung rich politician na nali-link sa kanya.


"Baka nakaipon..." sabi pa ni Mr. Fu.


"Ay, oo, nakaipon na siya talaga," sabi ni Manay Lolit, at dagdag pa nito, "Uubusin ni Paolo iyon, si Paolo pa."


‘Kalokah!


Samantala, kinumpirma naman ni ‘Nang Cristy na matagal nang hiwalay si Yen Santos sa rich politician na nali-link sa kanya noon.


"May tumawag kasi sa akin, sa kampo naman 'to ni Yen, matagal na silang libre," pagkumpirma pa ng veteran columnist-radio anchor.


Wala na rin daw natatanggap na ‘sustento’ si Yen mula sa rich politician na hindi naman nila pinangalanan.


Pero ang mas nakakalokang rebelasyon ni ‘Nang Cristy, “Ang ipinalit, ‘yung aktres na malapit nang lumipad.”


Awww! ‘Kalokah!


Nag-uumpisa pa lang ang career ng aktres na ‘malapit nang lumipad’, pero mukhang maiintriga na ang kanyang buhay, ha?


Naku, naku, naku!





Nakakatuwa namang napapayag ng host ng Table Love by Pinky na si Chemist Pinky Tobiano na mapapayag na mai-guest sa kanyang online show ang mga anak ni dating Governor and now Mayor Chavit Singson.


Bagama’t public figure si Mayor Chavit at paminsan-minsan ay nagiging kontrobersiyal din tulad nang kumalat ang “friendship over” nila ni Sen. Manny Pacquiao, hindi masyadong alam ng publiko ang personal life nito.


Kaya tiyak na maraming magiging interesado sa episode ng Table Love by Pinky sa Sabado, Sept. 18, dahil special guest ni Ms. Pinky si Mayor Chavit at ang dalawang anak nito.


Sa kauna-unahang pagkakataon, makakasama ni Singson ang kanyang mga anak na sina Chelsey at Christian sa TV. Nakatulong ni Tobiano si Chelsey Singson upang buuin ang isang safari-inspired table kung saan binalikan nila ang ilan sa memorable moments niya kasama ang kanyang ama.


Talagang mahilig si Mayor Chavit sa mga hayop at anumang bagay na may kinalaman sa safari.


Ibinahagi rin ni Chelsey kung gaano ka-supportive ang kanyang ama pagdating sa kanyang mga pangarap. Naging emosyonal ito nang muli niyang ishinare ang pagkakasakit ng kanyang ama.


Habang inaayos ang mesa, pinag-usapan nila kung bakit nga ba napakamapagbigay ni Mayor Chavit Singson.


Sa kanilang sitdown interview matapos ang sorpresa kay Mayor Chavit, nakasama nila si Christian na nagkuwento naman ng mga bagay na lubos niyang ipinagpapasalamat sa ama. Ibinida rin niya na ituturo niya sa kanyang mga magiging anak ang mga bilin ng kanyang ama.


Napag-usapan din nina Ms. Pinky at Mayor Chavit ang proyekto niyang Gracia Telecom na magbibigay-daan upang mapabilis ang transaksiyon sa pagbabayad ng anumang bills sa mga probinsiya.


At dahil kilala si Mayor Chavit sa pagtulong sa mga mahihirap na patuloy na nagsisikap, isang huwarang ina mula sa Novaliches ang naabutan ng tulong. Isang kuwento ng inspirasyon ang hatid ni Arcele Lingon, isang factory worker na may anak na may cerebral palsy. Mag-isa siyang naghahanapbuhay matapos mabulag ang asawa nito.


Alamin kung ano nga ba ang naihatid na good news ng programa kay Nanay Arcele sa tulong mismo ni Mayor Chavit Singson.


Sa pagtatapos ng season, buong-puso ang pasasalamat ni Chemist Pinky Tobiano sa lahat ng tumulong, nakiisa, nakisaya at nakisalo sa show hindi lang sa tablescaping na itinuturo niya, kundi pati ang mga nakaka-inspire na kuwento ng pagbangon, pagmamahalan at tagumpay ng inyong mga paboritong artista na naitampok din dito.


Napapanood sa TFC at iWant ang Table Love by Pinky tuwing Sabado, 4 PM sa USA/Canada, Pacific, Saudi/London, Asia at 6 PM sa Guam.


Abangan ang pagbabalik nito sa mas pinalawak, mas pinaganda at mas pinasayang season.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page