top of page

Ipinahiram lang daw kay Donita Rose… RUFFA, NINAKAWAN NG ALAHAS NG MISMONG BFF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 22, 2025



Photo: Ruffa Gutierrez - IG



Nanakawan na pala ng alahas si Ruffa Gutierrez at mismong best friend pa niya ang kumuha nito.


Naibahagi ito ng aktres sa kanyang mediacon to announce her partnership with Magical Gems by Isabel and Alexandria last Friday. 


Dahil ito ay isang jewelry brand, karamihan sa naging usapan ay tungkol sa kanyang mga alahas.


Naitanong kasi kay Ruffa kung naranasan na ba niyang mahablot or ma-snatch ang kanyang alahas at sey ng aktres ay never naman pero nanakawan na siya.


Tsika niya, nagpahiram siya ng alahas sa isa niyang best friend na si Donita Rose at ninakaw daw ito ng isa nilang kaibigan. Long time ago pa raw ito nangyari.


Hiyang-hiya nga raw si Donita sa kanya at sinabing babayaran niya ang nawalang alahas pero hindi raw pumayag si Ruffa na bayaran ito at sey niya sa BFF, “Our friendship is more important.”


But from then on ay hindi na raw siya nagpahiram pa ng alahas.

“Me naman kasi, I’m very generous to my friends, you know. Okey lang na hiramin nila,” aniya.


Pero may mga kaibigan din daw pala talaga na hindi puwedeng pagkatiwalaan.

Nilinaw naman ng aktres na magkaibigan pa rin sila ni Donita up to now pero ‘yung friend nilang nagnakaw ay hindi na nila friend. Non-showbiz daw ito kaya ayaw na niyang banggitin ang name.


Anyway, sobrang hilig ni Ruffa sa alahas kaya perfect talaga na maging ambassador siya ng isang jewelry brand. Hindi raw puwedeng wala siyang suot na alahas in her daily life lalo na nga ang earrings.


“I don’t feel comfortable na wala akong suot na hikaw. Feeling ko, parang lalaki ako or ano. Nasanay na ako ru’n. I love jewelry,” aniya.


Ang mommy daw niyang si Annabelle Rama ang nagpamulat sa kanya nito dahil mahilig nga sa alahas ang kanyang momshie. Kaya tinuruan din daw siya ng kanyang ina kung paano alagaan ang kanyang mga jewelries.


“She always tells me na alagaan, punasan and gamitin as investment because it’s really an investment na you can use till the end of time and you can pass it on also to your children,” sey niya.


Hindi na sinabi pa ng may-ari ng Magical Gems na si Mr. Harry Lopez Chua at ni Ruffa kung magkano ang mga alahas pero tsika ng aktres, kapag nasa taping daw siya ng upcoming GMA-7 series niya na Beauty Empire (BE) ay may nakabantay sa kanya from the company para sa seguridad ng alahas.


Makikita kasi sa nasabing serye na suot-suot ni Ruffa ang iba’t ibang disenyo ng naturang jewelry brand.



SUCCESSFUL ang naging pag-welcome ng South Korean artist na si Choi Bo-Min sa kanyang Beauty Empire (BE) co-stars na sina Barbie Forteza, Kyline Alcantara at Aaron Maniego.


Masayang lumipad ang apat patungong Seoul, South Korea recently para sa ilang eksena ng inaabangang GMA primetime series na BE.


Sa mga posts ng GMA Public Affairs, makikitang mala-Koreana ang atake nina Barbie at Kyline habang suot ang kanilang fashionable outfits. 


Kung face card ang usapan, hindi talaga pakakabog ang dalawang Kapuso stars.

Kitang-kita ang closeness nina Barbie, Kyline, Choi Bo Min at Aaron kahit pa unang beses pa lang nilang magsama-sama sa isang serye. Lalo tuloy na-excite ang mga fans dahil sa chemistry na ipinapakita nila.


Soon ay ipapalabas na ang BE, ang bagong serye ng GMA, Viu, at CreaZion Studios. 

Abangan…



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page